Abante Tonite - Kris, 7th sa senatoriables- Boyet Jadulco

Kung ngayon gagawin ang halalan sa pagka-senador, pasok sa top 10 si Presidential sister Kris Aquino, matapos itong pumuwesto na pampito habang tatlong kandidato naman ng Nacionalista Party (NP) ang pasok sa top 12, ayon sa survey ng The Center.

Base sa Pulso ng mga Pilipino, 3rd quarter survey ng The Center, muling mananalo sa pagka-senador sina Senate Minority Leader Alan Peter Caye­tano at Antonio Trillanes IV gayundin ang asawa ni Senador Manny Villar na si dating Las Pinas City Rep. Cynthia Villar.

Kapuna-puna naman na walang miyembro ng Liberal Party (LP) ang pumasok sa Magic 12, kung saan tanging si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang nasa striking distance sa nakuhang 27 percent at nasa pang-13 hanggang 14 puwesto.

Nanguna sa survey ang independent na si Senador Francis “Chiz” Escudero na may 66 percent habang pangalawa naman si Senador Loren Legarda na may 59.3 percent.

Si Aquino ay hindi miyembro ng anumang partido pulitikal at wala umanong balak na tumakbong senador.