Abante - Wag guluhin ang publiko sa sin tax – Trillanes - Dindo Matining

Nanawagan ang isang senador sa mga opisyal ng Department of Finance at Department of Health na huwag guluhin ang publiko sa kanilang "contradictory positions" sa excise tax.

Bilang isang dating Navy officer, sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV, talamak umano ang smuggled ci­garettes sa Mindanao na aniya'y patuloy ngayon at wala namang nagagawa ang gobyerno para pigilin ito.

Ayon kay Trillanes, miyembro ng Senate ways and means committee, ang napakalaking tax increase sa sigarilyo at alkohol ay lalong magpapala sa smuggling sa bansa.

"Smuggling is continuously developing in Minda­nao. Malaysia and Mindanao are not far from each other, and our Navy cannot control the backdoors," pahayag ni Trillanes sa isang panayam sa radyo.