Trillanes pushes for passage of bill on prohibition of Chemical Weapons

In affirmation of the country’s commitment to the Chemical Weapons Convention, the first disarmament agreement that provides for the elimination of and prohibits the development of chemical weapons for all time, Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV sponsors Senate Bill No. 2042 or the Chemical Weapons Prohibition Act.

 

The Philippines became a signatory to the Chemical Weapons Convention in 1993. As of October 2013, 190 states have already signed to be part of this endeavor.

 

Trillanes, Chairman of the Committee on National Defense and Security, said, “We have been firm in honoring our obligations under the Convention. In fact, the Anti-Terrorism Council of the Office of the President, which acts as the Philippine National Authority on the Chemical Weapons Convention, has been participating in different activities and capacity-building trainings related to the Convention’s implementation, together with other government agencies and private sector.”

 

“However, despite our efforts, we cannot fully implement its provisions in the country due to lack of a legislative framework that will give teeth to its implementation.”

 

SBN 2042 provides for the legislative framework for the effective implementation of the Chemical Weapons Convention in the country. It prohibits, under any circumstance, the development, production, manufacture, acquisition, possession, stockpile, retention, transfer, or use of chemical weapons, or engagement in any other activities prohibited under the Convention.

 

Furthermore, SBN 2042 establishes a separate and permanent Philippine National Authority for the Chemical Weapons Convention. It will serve as the national coordinating body for effective liaison with the Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW), the implementing body of the Convention, and other State Parties to the Convention, and be the lead agency in the implementation of the provisions of the Convention.

 

“As a signatory to the Convention, the immediate passage of this bill is necessary to maintain our country’s commitment to international peace and security. It would be a vital step towards maintaining the peaceful and meaningful utilization of chemicals and the creation of a treaty regime which will ensure that governments from different states will fulfill their national obligation of implementing chemical disarmament and non-proliferation,” Trillanes added. #

 

 


 

Tagalog version: 

 

 

 

Trillanes isinusulong ang pagbabawal ng mga Chemical Weapons

 

Bilang pagtupad ng Pilipinas sa obligasyon nito sa ilalim ng Chemical Weapons Convention, ang unang disarmament agreement na nagbabawal sa paggawa o paggamit ng chemical weapons, inisponsoran ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 2042 o ang Chemical Weapons Prohibition Act.

 

Ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda sa Chemical Weapons Convention noong 1993. At noong Oktubre 2013, mayroon ng 190 estado ang pumirma sa Convention.

 

Ayon kay Trillanes, Chairman ng Committee of National Defense and Security: “Tayo ay naging masigasig sa pagtupad sa ating mga obligasyon sa ilalim ng Convention na ito. Sa katunayan, ang Anti-Terrorism Council ng Tanggapan ng Pangulo, na siyang nagsisilbing Philippine National Authority sa Chemical Weapons Convention, ay matagal nang lumalahok sa iba’t-ibang aktibidades at capacity-building trainings na may kinalaman sa implementasyon ng Convention, kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.”

 

“Ngunit, sa kabila ng ating pagsisikap, hindi pa rin tuluyang mapatupad ang mga probisyon ng Convention sa bansa dahil sa kakulangan ng legislative framework na magbibigay ngipin sa implementasyon nito.”

 

Ang SBN 2042 ay magsisilbing legislative framework para sa epektibong implementasyon ng Chemical Weapons Convention sa bansa. Ipinagbabawal nito, sa kahit anong pagkakataon, ang pagpapaunlad, produksyon, paggawa, pagbili, pagmamay-ari, pag-iimbak, pagpapanatili, paglipat o paggamit ng chemical weapons, o paglahok sa iba pang gawain na ipinagbabawal sa ilalim ng Convention.

 

Ang SBN 2042 ay nagtatatag din ng isang hiwalay at permanenteng Philippine National Authority para sa Chemical Weapons Convention. Ito ay magsisilbing national coordinating body para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW), ang implementing body ng Conventon, at sa iba pang bansang bahagi ng Convention. Ito rin ang magiging pangunahing ahensiya na mangangasiwa sa implementasyon ng mga probisyon ng Convention.

 

“Bilang isa sa mga lumagdang bansa sa Convention, ang agarang pagpasa sa panukalang ito ay kinakailangan sa pagpapanatili  ng kapayapaan at seguridad sa pagitan ng mga bansa. Ito ay isang mahalagang hakbangin para sa pagpapanatili ng mapayapa at makabuluhang paggamit ng mga kemikal at sa paglikha ng isang sistemang titiyak na ang mga gobyerno sa iba’t-ibang estado ay isasakatuparan ang kanilang obligasyon na pigilan ang paggamit at pagkalat ng chemical weapons,” dagdag ni Trillanes.#