Proposed Chemistry Law passed on Third Reading

Senate Bill No. 914 or the proposed Chemistry Law of 2013 has been passed on its third and final reading.

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, principal author and sponsor of the said measure, stated the significant changes brought about by the rapid developments in Chemistry, science and technology, the rise of international standards, global competition, as well as concerns for the environment, climate change and sustainable development, that justify the need to reformulate the existing Chemistry Law of 1952 under Republic Act No. 754.

According to Trillanes, “This urgency is necessary to develop a more responsive legislation to the modern developments in the field of Chemistry.” Trillanes cited the sophisticated chemical design, synthesis and analyses which are required in a wide variety of applications, such as water, food products, pharmaceuticals, forensics, plastics and polymers, materials, and many others.

SBN 914 seeks to promote the study and practice of Chemistry in the country. Specifically, it proposes to introduce the following important changes: update the definition of Chemistry and the scope of the professional practice of Chemistry; upgrade its global competitiveness and bring it in line with international practice, certification and standards; strengthen the authority of the Board of Chemistry to supervise chemistry laboratories and other entities which practice chemistry to ensure that the minimum quality standards are maintained; and support the requirement for Continuing Professional Education (CPE) for the continuous training and international competitiveness of professional chemists.

“Chemistry is vital to public safety, the national economy, and the protection of the environment. It is necessary and just that the State regulate and protect the study and professional practice of Chemistry, and to promote its continued development in accordance to the high international standard of chemistry,” Trillanes emphasized #

Tagalog version:


Panukala para sa bagong Chemistry law pasado sa Senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 914, o ang panukala upang baguhin ang kasalukuyang Chemistry law sa ilalim ng Republic Act No. 754.

Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing panukala, maraming pagbabago sa larangan ng Chemistry at kabuuan ng agham at teknolohiya, kasama na rin ang pagtaas ng pandaigdigang batayan at ang paglabas ng iba’t ibang isyu sa kapaligiran, na dapat isaalang-alang kung bakit nararapat na ayusin ang RA 754 na isinabatas noong 1952 pa.

Sinabi ni Trillanes na kailangang magsabatas ng isang panukala na naaayon sa mga panibagong pangangailangan na ito. Kasama na rin dito ang mga bago at sopistikadong disenyo ng kemikal, ang pagproseso at ang pagsusuri sa mga ito na ginagamit sa iba’t ibang produkto tulad ng gamot, pagkain, at iba pang bagay.

Layunin ng SBN 914 na isulong ang pag-aaral at pagsasanay ng Chemistry sa bansa. Ilan sa mga pagbabago na nasa ilalim ng panukala ay ang pagsasaayos na kahulugan ng Chemistry at ang sakop ng propesyonal na pagsasanay ng Chemistry; ang pag-angat sa propesyonal na pagsasanay ng Chemistry upang makasabay sa mga pagbabago sa ibang bansa; ang pagpapatibay ng kapangyarihan ng Board of Chemistry na siyang namamahala sa mga nagsasanay ng Chemisty sa bansa; at ang pagmandato sa pagkakaroon ng Continuing Professional Education sa mga nagsasanay ng Chemistry upang masiguro na sapat ang kanilang kaalaman at kasanayan base sa mga pagbabago sa larangan.

Diin ni Trillanes, “Ang Chemistry ay mahalaga sa kaligtasan at seguridad ng lahat, sa ekonomiya ng bansa, at sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran. Nararapat lamang na isaayos at protektaha ng ating gobyerno ang pag-aaral at pagsasanay sa larangan ng Chemistry at isulong ang pagunlad nito sa bansa base sa pandaigdigang batayan.#