Senate passes bill increasing subsistence allowance of soldiers, uniformed personnel

Senate passes bill increasing subsistence allowance of soldiers, uniformed personnel



Senate Joint Resolution No. 2 or the resolution increasing the subsistence allowance of soldiers and other uniformed personnel has been passed on Third and final reading in the Senate.

According to Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, principal author and sponsor of the said measure, “By providing a modest increase on the existing subsistence allowance of our uniformed personnel, we hope to uplift their morale and recognize their sacrifices for this country.”

Under the said Resolution, the daily Subsistence Allowance of all military and uniformed personnel will be increased from P90 to P150, effective 1 January 2015. Particularly, those covered are the officers, enlisted personnel candidate soldiers, probationary second lieutenants, and civilian active auxiliaries of the Armed Forces of the Philippines; the commissioned and non-commissioned personnel of the Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, and Bureau of Jail Management and Penology; the cadets of the Philippine Military Academy and the Philippine National Police Academy; and the Philippines Coast Guard.

During his sponsorship speech, Trillanes lamented that despite the significant role of the said personnel, they remain to be among the measly paid public servants in the country. He recounted the stories of soldiers and policemen who are normally assigned to distant places and who usually leave their ATM cards with their family. Their salaries and other benefits go directly into said ATM cards for their families and it is only the 90-pesos per day subsistence allowance that is left for the soldiers or policemen. Hence, they have to scrimp and learn to live on said paltry sum for their daily subsistence and sustenance and for all their personal needs.

“I urge our counterparts in the House of Representatives to immediately act on the measure so that this will be implemented on 1 January 2015,” said Trillanes, Chairman of the Senate Committee on National Defense and Security. #

Tagalog version:

Dagdag subsistence allowance ng mga sundalo at pulis, pasado na sa Senado


Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Joint Resolution No. 2 o ang resolusyong magtataas ng Subsistence Allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa.

Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing resolusyon, “sa pamamagitan ng pagtataas ng subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis sa pamamagitan ng resolusyong ito, inaasahang nating maitaas ang kanilang morale at kilalanin ang kanilang mga sakripisyo para sa ating bansa.”

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, itataas mula P90 hanggang P150 kada araw ang subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel ng ating gobyerno simula 1 Enero 2015. Partikular na nasasakupan ng resolusyung ito ang mga opisyal, enlisted personnel, probationary second lieutenants, at civilian active auxiliaries ng Armed Forces of the Philippines; commissioned at non-commissioned na kawani ng Philippines National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology; mga kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy; at ang Philippine Coast Guard.

Noong inisponsor ni Trillanes ang nasabing resolusyon sa Plenaryo, inihayag nito ang pagkadismaya kung papaanong nananatiling isa sa may pinakamababang sweldo ang mga kawaning ito sa kabila ng bigat ng kanilang mga tungkulin. Binanggit nito ang kalagayan ng mga sundalo at pulis na mga nakadestino sa malalayong lugar at kung saan iniiwan ng mga ito pang kanilang ATM card sa kanilang mga naiwang pamilya. Ang kanilang mga sahod ay dumidiretso sa kanilang mga ATM at ang subsistence allowance na lamang ng mga ito ang kanilang pilit na pinagkakasya sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailan.

“Hinikayat ko ang ating mga kasama sa Kamara na bigyan ng aksyon ang panukalang ito nang sa gayon ay mapatupad ito sa darating na 1 Enero ng susunod na taon,” ani Trillanes, taga-pangulo ng Senate Committee on National Defense and Security. #


Radio:
Dagdag subsistence allowance ng mga sundalo at pulis, pasado na sa Senado


Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Joint Resolution No. 2 o ang resolusyong magtataas ng Subsistence Allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa.

Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing resolusyon, na ang pagtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at pulis ay inaasahang magdudulot ng pagtaas ng morale ng mga ito, at isang paraan na rin ng pagkilala sa kanilang mga sakripisyo para sa ating bansa.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, itataas mula P90 hanggang P150 kada araw ang subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel ng ating gobyerno simula 1 Enero 2015. Partikular na nasasakupan ng resolusyung ito ang mga opisyal, enlisted personnel, probationary second lieutenants, at civilian active auxiliaries ng Armed Forces of the Philippines; commissioned at non-commissioned na kawani ng Philippines National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology; mga kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy; at ang Philippine Coast Guard.

Hinikayat din ni Trillanes, taga-pangulo ng Senate Committee on National Defense and Security, ang Kamara na bigyan ng agarang aksyon ang nasabing panukala upang sa gayon ay mapatupad ito sa darating na 1 Enero ng susunod na taon.#