Transcript: Radio Interviews

Anchor: Thank you very much, sir. Kasama natin ngayon, Senador Antonio Trillanes IV, magandang hapon po. Sir, doon po sa nangyari ngayon, ano po ang reaksyon ninyo?

 

SAFT:  Ngayon pong hapon, at least, pinakita  ni Chief Justice na may respeto pa siya sa Impeachment Court, and it somehow soften the damage he did last appearance niya. Pero babalik pa rin tayo sa mga isyu. Alam niyo po kasi ‘yung waiver na binigay niya, para po sa akin, wala itong value. Kung gusto mong ipakita na mali ang mga dokumentong pin-resent ng Ombudsman, ‘yung AMLC (Anti-Money Laundering Council) report, kung saan nandodoon ang mga deposit, withdrawal, kung gusto mong sirain ‘yung mga ebidensyang iyon, sana nag-request ka sa mga bangko mo at pinakita mo. Nag-request ka ng mga bank documents to counter the evidence presented, hindi ‘yung waiver. E kung ‘yun din ang makita natin, papaano mo kokontrahin?

 

A: Mayroon nabanggit ang Presiding Judge na sa Lunes magkakaroon ng tig-isang oras ang prosekyusyon at depensa. Lilipas pa ang Sabado at Linggo, mayroon pa bang magbabago sa inyong desisyon?

 

SAFT: Wala po. In fact, ‘yung appearance niya ngayon affirmed ‘yung mga initial na inclination ko. ‘Yung closing arguments lalong napaka-long shot na noon. You can’t be possibly undecided and suddenly be moved by the closing arguments if you’re inclined to acquit, matagal mo nang napagdesisyunan ganoon din ang conviction. Ang sa akin dito, ‘yung posisyon na sinabi niyang mayroon akong $2.4 million pero hindi ko dineclare kasi may absolute confidentiality ‘yung foreign currency, kung ikaw ‘yung Chief Justice e ganyan kang mag-interpret ng batas, e may problema ang bayan natin. You’re going to interpret the law for your convenience and not to the spirit of the Constitution, which is full disclosure and transparency of all government transactions of public officials—‘yan ‘yung purpose ng SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth).

 

A: Kayo po ay chair ng isang napakahalagang komite (Committee on Civil Service and Government Reorganization). Sa mga committee hearings na inyong isinasagawa, dito po ay makikita na ang isang public servant ay hindi pwe-pwedeng hindi magsabi ng kaniyang statement of assets, liabilities, and net worth, tama ho ba?

 

SAFT: ‘Yun nga po mismo at ang masama nito, may mga sinentensyahan na po e at mga natanggal sa trabaho dahil sa maling entry sa SALN tapos ikaw na nagsintensya nito, ikaw pala ay mayroong tinatago. Malaki pong bagay ito kaya nga sinasabi ko na ‘yung moral fitness po ay malaking factor. Why? Kasi hindi ‘yan kagaya ng mga ordinaryong mamamayan o mga publiko. Sila may kapangyarihan silang tanggalin ka sa trabaho, may kapangyarihan tanggalan ka ng freedom. Halimbawa, may pagkakamali ka sa batas, sila ang magsisistensya sa iyo. Kailangan sila, ‘yung mga huwes, justices o judges, kailangan mas higit sila sa ating lahat pagdating sa moral fitness.

 

A: Senator, curious lang ako, babalikan lang natin ‘yung mga panahon na dinanas mo as a soldier. Ilang taon ka ring hindi nakapanungkulan. At this point nandirito ka na as a lawmaker, ano ang nakikita mong mga dapat isagawang reporma sa mga existing law, especially diyan sa mga pinagkukublihan ng mga tinatawag na high ranking officials?

 

SAFT: Maliwanag naman talaga ‘yung batas e, kung gusto mong itago, itatago mo lalo na kung manggagaling ‘yan sa ‘di magandang paraan. Kahit na anong ilagay nating batas, kahit gaanong kaklaro ‘yan, alam mo naman ang abugado minsan, kahit kabuhok ‘yan e babaluktutin ‘yan e for convenience of their client.

 

Alam niyo ho, kagaya ng sinabi ni Senator Jinggoy, na-mention rin niya, alam rin po natin kung papaano ma-persecute ng isang president. Alam niyo mas masahol pa ho ang ginawa sa amin, I won’t even go there. Ang masasabi ko lang, I can empathize with him dito sa kanilang episode. I am sure ginawa naman ng Diyos ito sa kanila para lumakas ang kanilang pagkatao. Pero ngayon it will not take the fact na mayroon kang mga assets na hindi mo idineleklara.

 

A: Senator, tayo po ay hindi lamang naririnig nationwide kung hindi worldwide. Ano po ang inyong gustong iparating na message sa ating mga kababayan?

 

SAFT: Ito pong nangyaring impeachment trial is a healthy demonstration of our democratic institution. Nakita po natin na dito, wala pong above the law, walang mga untouchable, walang mga diyos dito. Dito po sa Chief Justice natin, it will now be a signal na you cannot abuse authority and misuse ang iyong posisyon for whatever reason. Let us hope that this will lead to a logical decision and it will be a start of true change in our country. Thank you.

 

A: Thank you very much, Senator Trillanes.

 

--------------------------

 

A: Senator Trillanes, ano po ang pakiramdam na finally according sa timetable po ang impeachment trial?

 

SAFT: Natutuwa po kami na finally matatapos na po itong ordeal na ito dahil ang ating bansa ay kahit papaano ay naapektuhan dito sa takbo ng trial. And hopefully, we will come up with a decision that will give justice to our countrymen.

 

A: Senator Trillanes, mayroon pong anim na kapwa kayong senators na nagtanong. Kayo po ba ay walang intensyon  na magtanong ng isang clarificatory question kanina?

 

SAFT: Actually, mayroon. Nag-pareserve ako kaso for some reason hindi na natuloy kasi nagpaalam.

 

A: Ano po ba sana ang gusto ninyong itanong?

 

SAFT: Marami po. Unang-una, ‘yung waiver na ibinigay niya dapat hindi po waiver e kasi nagbigay po ng document itong Ombudsman, itong AMLA report na kung saan nakasaad ang detalye ng dollar deposits, dollar and peso balances. Ngayon, ang ibinigay niya sa atin waiver lang. So ibig sabihin nito bahala na kayong tumingin. Hindi dapat kung gusto mong kontrahin ang

sinabi ni Ombudsman Morales, dapat nagdala ka ng dokumento, nag-request ka sa mismong bangko mo. Request mo, “Bigyan mo nga ako ng mga records diyan para ipakita ko na mali iyon.” Hindi niya ginawa iyon e. Ngayon kapag ginamit natin ‘yung waiver ang sasabihin ng bangko, “Wala sa aming account ‘yung tao na ‘yan, kasi sarado na.”

 

A: So hindi po kayo na-convince?

 

SAFT: Hindi po, wala po iyan. Subukan niyo po iyan the moment you close an account to a bank, wala na kayong relationship. Some are taken for a ride, but not me.

 

A: Siya na po sana nagpa-release.

 

SAFT: Siya, pwede ka naman kumuha sa bangko, hindi ba?

 

A: Sir, inaabangan niyo pa rin ba ‘yung aksyon (closing arguments), would it matter to your decision making?

 

SAFT: Kung ikaw undecided ka pa at this point, tapos madadala ka pa ng closing arguments, sa galing ng abugadong magsalita, e medyo mahina ka magdesisyon sa buhay.  I believe most of our senator-judges have a position at this poin, but the problem is we have to vote after the closing arguments. But who knows?

 

SAFT: Ang una kong tanong sa kaniya kung kino-contest ba niya ‘yung sa entry doon sa AMLA report? Ngayon, kung kino-contest niya ‘yun, kakasuhan ba niya ng impeachment case si Ombudsman Morales for presenting a fabricated documents?

 

Pangalawa, magpa-file ba siya ng kaso sa AMLA for falsifying public documents? ‘Yun ang hawak namin e, hindi naman niya ginawa ‘yun e, ‘di naman niya kinakasuhan. Kasi ako kung gagawin sa akin ‘yan, may mag-iimbento ng mga dokumento, e talagang kakasuhan ko sila, hindi ako magbibigay ng waiver. Ipapakita ko ‘yung tunay na dokumento.

 

Next, itong sa salaysay niya na dollar investment lang daw ‘yun, time deposit, niro-roll lang ng niro-roll. E kaso nga ho, doon sa AMLA report nakita ho doon ‘yung mga deposit ho e coming from individuals, milyones both peso and hundreds and thousands of dollars. Ang taong bayan hindi niyo na-scrutinize ‘yung AMLA report, but we have it. The media, kung makikita niyo, nandoon ang mga dollar deposits.

 

At ito pa, ‘yung sinasabi niyang simple living hindi ka bibili ng penthouse kung simple kang mamuhay. Siguro bibili ka lang ng condominium pero ‘yung penthouse iba ‘yun, that is a statement. E ayoko lang ‘yung pinapasakay niya ‘yung taumbayan.

 

A: Maraming salamat po.

 

--------------------

 

A: Yes, kasama ko Gerry si Senador Antonio Trillanes. Senador, magandang hapon po sa inyo. Kanina po ba naka-line up kayo para magtanong?

 

SAFT: Magandang hapon sa inyo, Ruby, Anthony at Gerry. Yes, nakapila po akong magtanong kay Chief Justice Renato Corona subalit nag-paalam na po siya dahil napapagod na siya.

 

A: Ano po ‘yung supposed to be ang inyong katanungan kay CJ Corona?

 

SAFT: Marami po tayong katanungan, In fact nilista ko diyan. Isa diyan is kung kino-contest ba niya or kinikwestyon ba niya ‘yung accuracy ng AMLA report? Dahil ‘yun po ‘yung binigay ng Ombudsman sa atin nakadetalye po doon ‘yung mga deposit, withdrawal ‘yung mga pera niya. Kung kino-contest niya po ‘yun, dapat kasuhan niya ng impeachment itong si Ombudsman Morales, kasuhan rin niya ng falsification ng public documents itong AMLA.

 

Hindi niya po pwe-pwedeng magbigay siya sa amin ng waiver tapos ito, “Bahala na kayo tignan niyo.” Alam niyo ho kung sarado na ‘yung mga account niya sa bangko, gagamitin ‘yung waiver sasabihin ng bangko, “Sarado na, walang account ‘yan dito, closed ‘yan.” So it’s publicity stand, sadly hindi ko po bibilihin at sana nakita rin ho ng taumbayan. Kung gusto mong ipakita talaga kung magkano ‘yung pera mo, magbigay ka, mag-request ka mismo sa bangko ng documents, ng balances and all that—‘yan ang ibigay mo sa korte. ‘Wag mo akong bibigyan ng waiver kasi ano ‘yan e useless na ‘yan at this point kung sarado na ‘yung mga account, most likely sarado na.

 

A: So paano po kaya magdedesisyon ang isang Senator-Judge Antonio Trillanes? Ang mga katanungan ninyo e wala pong naging kasagutan.

 

SAFT: It’s too bad ‘di naliwanagan ng ganito. ‘Yung mismong demeanour niya sa korte is… maybe part of my decision. Mayroon siyang sinabi doon na simpleng buhay lang po ang ginagawa nilang mag-asawa. Pero alam naman po natin kapag bumili ka ng penthouse na condominium, the least thing in your mind is to live a simple life.

 

A: Pero, senador, sinabi niya na hindi naman daw bongga ‘yung mga condominium na binili niya.

 

SAFT: Pero penthouse po iyan sa Belagio, sa The Fort po iyan. Kung baga hindi naman natin pwede ipagkaila na high-end at saka penthouse po iyan. A penthouse condominium is a statement that you’re living a certain lifestyle.

 

A: Hindi po kayo naniniwala doon sa mga pahayag ni CJ Corona na sila ay may simpleng buhay?

 

SAFT: Sana nga kung nakita natin na nakatira sila sa simpleng bungalow, sa isang subdivision na hindi naman exclusive, kasi sa La Vista ho iyan. Alam niyo ho ang mga nakatira po diyan sa La Vista sina GMA (Gloria Macapagal-Arroyo), a former high government official.

 

A: Mukang mahaba-haba supposed to be, Senator, ang listahan niyo ng questions. Ano po ba ‘yung gusto niyong itanong na hindi ninyo naitanong?

 

SAFT: ‘Yun na nga po kasi sinasabi niya ‘yung kaniyang dollar investment ay nagsimula ng 60’s so niro-roll lang niya sa time deposit and all that kaso nga ho doon sa AMLA report kita ho doon ang deposits from certain individuals e. Malaki po ‘yun, daang libong dolyares or milyong piso, mga 10 million per deposit ho, may five million pesos, hindi interest ‘yun e, deposit ng mga tao.

 

A: Ito bang kabiguan ninyo na hindi makapagtanong ay makakapaghirap sa inyo para magdesisyon o mas makakapagpadali po?

 

SAFT: Mapapadali po. Wala naman siyang planong i-clarify ‘yung mga tanong natin.

 

A: ‘Yung sinasabi po sa ni Senator Estrada na ‘yung majority ay may desisyon na, kasama po ba kayo doon sa majority?

 

SAFT: Definitely. Sa akin, at this point in time, kung wala kapang klarong desisyon at mag-aantay ka pa ng closing arguments para ma-sway or the other e mahina ka siguro magdesisyon. I believe most of the senators have already a decision in mind.

 

A: So inyo ay pagpapaliwanag nalang, ipapaliwanag niyo po ang inyong desisyon?

 

SAFT: Opo ipapaliwanang ko po.

 

A: May oral arguments pa po sa Monday, so hindi niyo na po ito hihintayin?

 

SAFT: Yes, may oral arguments pa sa Monday, that’s the process. Kailangan naming tapusin ‘yun, most probably on Tuesday verdict na.

 

A: May tanong pa si Gerry.

 

 

SAFT: Sa akin ho mas nakadiin ‘yun kasi ang sinasabi niyang mayroon siyang $2.4 million pero dahil doon sa foreign deposit confidentiality, hindi niya dineleklara. Ngayon kung mayroon po tayong Chief Justice na ganyan mag-interpret ng batas, e may problema po ang bayan natin. Hindi mo pwedeng i-interpret ang batas according to your convenience, alam natin lahat ‘yan. Ang sabi ng Constitution, declaration or disclosure of assets, liabilities and net worth, ibig sabihin idi-disclose mo talaga ‘yung net worth mo. Hindi pwe-pwedeng ito lang, hindi ko ide-declare kasi sabi may secrecy. That’s not the intention of the law. If you are the chief justice, ganoon ka mag-interpret ng batas, e may problema talaga ang bayan.

 

SAFT: Hindi mo naman ide-declare ‘yung specific acocunts and all that, ‘yung account number, hindi, ‘yung amount lang. ‘Yun nga po ang sinasabi ko kanina kung at this point wala ka pang desisyon at iintayin mo ‘yung closing arguments para ma-convince ka, e palagay ko you are indecisive by nature. Hindi naman kasi pwedeng pagalingan na lang ng oratorical speech ng abugado sa pagde-decice. In ordinary cases, kung medyo dikit talaga, pwede ‘yun, it can help. But kung malakihan talaga ‘yung diperensya, it may not matter at all.

 

SAFT:  Ngayon po sana ang pagkakataon na ‘yun. Imbes na waiver ang ibinigay niya, mga dokumento doon sa kaniyang mga bangko na pinapakita niya na ito lang ang balanse ko, ipapakita niya na time deposit lang ito, then makokontra ‘yung mga dokumento ng AMLA. Kaso wala ho; ang ibinigay niya waiver. Sabi ko nga sa inyo kapag sarado na ang account niyo sa bangko, ang sasabihin lang ng bangko, “Wala siyang account dito,” hindi niya ibibigay ‘yung history ng account na iyon.

 

A: Aantabayanan na lang natin ang magiging paliwanag ni Senador Trillanes doon sa kaniyang boto, marami pong salamat.

 

------------------------------------------

 

A: Ready na po ba kayo Senador Trillanes?

 

SAFT: Magandang hapon Cely. Yes, handa na po tayo magdesisyon sa Martes. We have to wait for the closing arguments on Monday.

 

A: Sa pagharap ni Chief Justice Corona noong Tuesday, at ngayon sa kaniyang muling pagharap, mayroon bang mga malabo dati na klaro na sa inyo ngayon?

 

SAFT: Actually, lalong lumabo for him. Actually, I was supposed to ask few questions sa kaniya, kaso nagpaalam na kasi may sakit at hindi na babalik. Ngayon ang sa akin sana kinikwestyon ba niya ‘yung AMLA report kung saan nakadetalye ‘yung mga deposits, withdrawal, kung magkanong mga milyones na dolyares at peso ang mayroon niya. Sadly, hindi niya kinwestyon, ang binigay niya waiver. Kung kinikwestyon niya ‘yun, dapat kasuhan niya ng impeachment itong si Ombudsman Morales for presenting fabricated documents, tapos itong AMLA for falsifying public documents. Pero ang ginawa niya waiver. Alam niyo doon sa waiver kapag ang sarado na ‘yung account, ang sasabihin lang ng bangko, “Wala ‘yang account dito.” Hindi mo makukuha ‘yung history. What he should have done, kung gusto niyang ipakita na mali ‘yung sinabi ‘yung Ombudsman Morales, siya mismo ang nag-request sa mga bangko at ipinakita niya sa atin, “Ito lang ang balance.” Kaso hindi ‘yun ang ginawa niya. It’s a last ditch publicity, sadly, hindi ako sasakay. Kung may napasakay siya na iba, pero ako hindi niya ako mapapasakay sa ganoon.

 

A: That means that you made up your mind already kung ano ang iboboto sa Tuesday?

 

SAFT: Oo naman. This was his last chance, sana kung nagpakita siya sinseridad. Ayoko sa lahat pinapaandaran tayo e, ‘yung sabi lang na simple ‘yung buhay niya, pero bibili ka ba ng penthouse kung simple ‘yung buhay mo? Alam niyo naman ‘yung mga may-ari ng condominium, ‘yung mga may-ari ng penthouse, mga extravagant lifestyle ‘yan e. Ganoon rin po ‘yung mga nakatira sa mga La Vista subdivision kung saan siya nakatira, e magarbo ‘yan. Si GMA nga doon nakatira e and other businessmen and high-ranking officials.

 

A: May listahan kayo ng mga tanong, ‘di nalang kayo na-accommodate dahil sumama na ang pakiramdam ng Punong Mahistrado.

 

SAFT: Opo. Actually, may tatlong senador pa na mauuna sa akin.

 

A: Hindi rin po malinaw sa inyo kung bakit hindi niya dineklara sa kaniyang SALN dahil doon sa foreign currency confidentiality?

 

SAFT: Mas nakasama po ito sa kaso niya kasi kung ganyan ka mag-interpret ng batas e malaki po problema ng bayan natin kasi kung ang chief justice mo e baluktot mag-interpret ng batas, e kawawa po tayo. Lahat naman po ‘yan, alam ang  ibig sabihin ng net worth, magkano ba lahat talaga, whether may dollar account ka, iko-convert mo ‘yan sa peso at idadagdag mo sa deposit column mo. Wala naman sinasabi sa SALN law na idetalye mo ‘yung account number mo, and all that. Besides, ‘yung confidentiality doon ‘yun sa mga institutions, bawal ilabas ‘yung publicly pero ikaw as individual pwede voluntarily.

 

A: Ang sabi po ng Punong Mahistrado nagsabwatan ang LRA (Land Registration Authority)Ombudsman, BIR (Bureau of Internal Revenue), para idiin siya.

 

SAFT: Maari pong ganoon. Pero ano ba ang basis? Mayroon naman pong basis. Kasi ginawa rin po sa akin ‘yan noong nakaraang administrasyon. Pinagtulungan tayo, ginawan pa kami ng kaso na kung anu-ano pero wala naman silang nakita sa akin e. Kinulong lang tayo ng pito’t kalahating taon. So naintindihan ko ‘yung nararamdaman ng kaniyang pamilya pero we’ve gone through probably worst that what he is experiencing right now, and I can assure na ang pinagdadaanan nila ngayon, it may be difficult, but they’ll come up stronger persons after all of these.

 

A: Sa weekend po ba mag-aaral pa kayo ng mga ebidensya, at ang pagiging kaalyado po ba ng administrasyon ay hindi magiging factor sa inyong pagdedesisyon?

 

SAFT: It was never a factor to begin with. I will admit to you na may desisyon na ako at gagawin ko ang aking pagpapaliwanag. #