Trillanes appeals to PNoy: Include AFP-PNP retirees in SSL4

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV appeals to President Benigno S. Aquino III to include the retired members of the Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police and other uniformed services in the proposed Salary Standardization Law 4.
Trillanes, principal author and sponsor of Senate Bill No. 2671 or the proposed SSL4, said that under his original bill sponsored in the Senate, the pension levels of the retirees will also increase along with the increase in the salaries of other government workers, consistent with Presidential Decree 1638 and Republic Act No. 8551. However, under the proposed Malacañang version, this provision, known as the indexation of military pension, was suspended due to severe budgetary constraints according to the Department of Budget and Management.

 

The Congress was not able to approve the said bill before the session adjourned last December because the Senate version included the pensioners in the planned  salary adjustment, while the House of Representatives decided to adopt the Malacañang version excluding them. 

Trillanes is expecting that the Malacañang will oppose the inclusion of the indexation provision in the SSL4, which could delay the law’s implementation and would affect other government employees, the reason for Trillanes’ appeal to the President.

"We believe that the retirees of the AFP, PNP, and other uniformed services have earned it. They have risked their lives just to keep us safe, and to let us enjoy the fruits and blessings of democracy. So we believe that they deserve this indexation,” Trillanes explained.

In the P3.002-trillion national budget for 2016, P57.9 billion was included for the implementation of the first tranche of the SSL-4. An additional P9 billion would be needed for the indexation of military and police retirees in the first year of the implementation.

Trillanes added, “These military and police retirees are now in the twilight of their lives. The government should show a little compassion, if not gratitude owing to the sacrifices they and their families have given over the years. I hope that Malacañang could see this issue in this light because the lives and welfare of our retirees are beyond any alleged budgetary constraint.”#

Tagalog version:

Apela ni Trillanes kay PNoy: Isama ang mga retiradong AFP-PNP sa SSL4

 

Umapela nitong Lunes si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV kay Pangulong Benigno S. Aquino III na isama ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at iba bang uniformed services sa panukalang Salary Standardization Law 4 

Ayon kay Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4, sa ilalim ng kanyang orihinal na panukala sa Senado, ang mga pensyon ng mga retiradong miyembro ng mga nasabing organisasyon ay tataas rin kasabay nang pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, alinsunod sa Presidential Decree 1638 at Republic Act No. 8551. Subalit sa bersyon na itinutulak ng Malacañang, ang probisyong ito o tinatawag na indexation ng military pension, ay tinanggal dahil sa sinasabing matinding kakapusan sa budget ayon sa Department of Budget and Management

Ang nasabing panukala ay hindi naaprubahan ng Kogreso bago magsara ang sesyon noong Disyembre dahil sa magkaibang bersyon na tinutulak ng bawat Kapulungan. Kasama ang pagtaas ng pensyon ng mga retiradong miyembro sa bersyon ng Senado, samantalang ang bersyon ng Malacañang naman ang itinutulak ng Mababang Kapulungan

Inaasahan ni Trillanes na tututulan ng Malacañang ang pagsama ng indexation provision sa SSL4, na maaaring mag-aantala sa agarang pagpapatupad ng panukala at makaka-apekto sa mga kawani ng gobyerno, kung kaya’t umaapela si Trillanes sa Pangulo.

“Naniniwala tayo na karapat-dapat lamang na isama ang mga retiradong miyembro ang AFP, PNP at ibang uniformed services sa batas na ito. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para lamang maging ligtas ang ating bansa at matamasa natin ang demokrasya na nararanasan natin ngayon,” ani Trillanes.

Sa P3.002 trilyon national budget para sa 2016, P57.9 billion ay nakalaan para sa pagpapatupad ng unang bahagi ng SSL4. Karagdagang P9 bilyon ay kakailanganin para sa indexation ng mga retiradong sundalo at pulis sa unang taon ng pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa ni Trillanes, “Ang ating gobyerno ay marapat lamang na magpakita ng malasakit, kundi man pasasalamat sa mga sakripisyong inialay ng mga retiradong sundalo at pulis, at ng kanilang mga pamilya sa loob ng mahabang panahon, lalo na’t sila ay nasa maselang bahagi na ng kanilang mga buhay. Sana ay makita ito ng Presidente sa aspetong ito dahil ang buhay at kapakanan ng mga retiradong ito ay higit pa sa ano mang sinasabing dahilan ng kakulangan sa budget.”#