Trillanes asks colleagues: Give SC more power to improve administration of justice

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV filed a bill to give the Supreme Court the power to permanently reassign judges of Regional, Metropolitan, Municipal and Municipal Circuit Trial Courts to other stations on the same court level.

 

Trillanes said that: “Under the present law, for a judge to be transferred to a court of the same level in a neighboring town or city, a new nomination from the Judicial and Bar Council and a new appointment by the President shall have to be secured for such transfer to ensue, as if the judge is being appointed for the first time.”

 

“This tedious process has resulted to prolonged vacancies in trial courts, which further resulted to clogged dockets and huge number of case backlogs,” Trillanes elaborated.

 

Under Senate Bill No. 1732, the bill proposing to amend the Judiciary Administration Act of 1980, the Supreme Court may temporarily or permanently reassign a regional trial judge to any regional trial court in the country; or a metropolitan trial judge to any metropolitan trial judge to any branch of metropolitan trial court, municipal trial court, or municipal circuit trial court in the Philippines.  If the transfer will exceed six (6) months or is permanent in nature, the consent of the affected judge shall be required.

 

Trillanes further explained that the proposal is also a way to insulate our courts from political interference and pressure, thereby strengthening their independence and decreasing the chances of corruption.

 

“It is hoped that with this remedial piece of legislation, the Supreme Court can finally exercise its constitutional mandate of administrative supervision over all its courts and personnel, which in turn can result to case decongestion and the efficient delivery of justice in the country,” Trillanes added.#

   

Tagalog Version:

 

Dagdag na kapangyarihan para sa SC sa pangangasiwa ng mga hukuman sinusulong ni Trillanes

 

 

Naghain si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng panukalang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa Kataastaasang Hukuman na permanenteng magtalaga ng hukom sa Regional, Metropolitan, Municipal at Municipal Circuit Trial Courts sa iba pang korteng katumbas nito.

Ayon kay Trillanes: “Sa ilalim ng kasalukuyang batas, para mailipat ang hukom sa isang korteng katumbas nito sa ibang bayan o siyudad, kinakailangan ng bagong nominasyon galing sa Judicial at Bar Council at pagtatalaga mula sa Presidente, tulad ng proseso sa pagtatalaga sa isang bagong hukom.”


“Ang mahaba at komplikadong prosesong ito ay nagreresulta sa matagal na pagkabakante ng mga posisyon sa mga trial courts, at matagal na pagkabinbin ng mga kaso,” paliwanag ni Trillanes.

 

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1732, ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Judiciary Administration Act of 1980, ang Kataastaasang Hukuman o Supreme Court ay maaring pansamantala o permanenteng magtalaga ng regional trial judge sa iba pang regional trial court; o isang metropolitan trial judge sa kahit anong sangay ng metropolitan trial court, municipal trial court, or municipal circuit trial court sa Pilipinas. Kung ang pag-upo sa pwesto ay lalagpas sa anim (6) na buwan o kung ito ay permanente, kinakailangan ang pagsang-ayon ng itatalagang hukom.

 

Ipinaliwanag ni Trillanes na ang panukalang ito ay isang paraan upang maiiwas ang mga korte mula sa pulitika. Sa ganitong paraan, mapagtitibay ang pagiging malaya o independent ng mga korte at mababawasan ang posibilidad ng kurapsyon.

 

“Ating inaasahan na sa pamamagitan ng panukalang ito, higit na maisasagawa ng Supreme Court ang mandato nito na pamahalaan ang lahat ng korte at mga empleyado nito, na maaring mag-resulta sa pagpapabilis sa mga nakabinbin na kaso at mahusay na pagbibigay ng hustisya sa ating bansa,” dagdag ni Trillanes. #