Trillanes bats for pay hike for teachers, soldiers, police

In light of the recent pronouncement of President Rodrigo Duterte on increasing the salary of teachers, military and police personnel, Senator Antonio “Sonny” IV pushes for the passage of Senate Bill No. (SBN) 90, or the Salary Standardization IV.
 
Trillanes said, “Consistent with the promise made by President Duterte, SBN 90 includes teachers, military and police personnel in the proposed increase, and would at least double their salary.” 
The improved salary scale provides the lowest government rank, Salary Grade 1, with a base pay of Php18,956 from the present rate of Php9,478; and cabinet secretaries with a base pay of about Php585,430 from the present rate of Php117,086. For military and police personnel, Private/Police Officer 1 will receive Php35,460 from their present salary of Php14,834; and General/Director General will receive Php481,770 from their present salary of Php67,500.
 
According to Trillanes, passing the measure would also be a major step in the government’s anti-corruption campaign; and would enable the government to attract, retain, and maintain a corps of competent government workers including teachers, military and policemen.
“With this proposed competitive compensation package, our public servants will be dissuaded from resorting to unscrupulous activities in order to augment their meager income, and, instead, be encouraged to become efficient and effective public servants,” Trillanes further explained of the bill's anti-corruption component.
 
Trillanes also challenged Duterte to fulfill his promise, “The President has promised to increase the salary of teachers, military and police personnel; thus, I filed this measure which would serve as an instrument to fulfill it.”#
 
 *************
Tagalog version:
 
Dagdag sahod ng guro, sundalo at pulis, itinutulak ni Trillanes
 
Kasabay nang pag-anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na itataas ang sahod ng mga guro, sundalo at pulis, itinutulak ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pagpasa sa Senate Bill No. (SBN) 90, o ang Salary Standardization Law IV. 
 
Ani Trillanes, “Tulad ng pangako ni Pangulong Duterte, kasama ang mga guro, sundalo at pulis sa higit dobleng pagtaas ng sweldo ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng SBN 90.”
 
Batay sa isinusulong na mas mataas na pasahod sa ilalim ng SBN 90, ang base pay ng mga kawani na may pinakamababang salary grade o Salary Grade 1 ay makatatanggap ng Php18,956 mula sa kasalukuyang natatanggap ng mga ito na Php9,478; at ang mga kalihim ng mga ahensiya naman ay makakakuha ng Php585,430 mula sa kasalukuyang nakukuha ng mga ito na Php117,086. Para naman sa mga sundalo at pulis, ang mga may ranggo na Private/Police Officer ay makakakuha ng Php35,460 mula sa Php14,834 na nakukuha ngayon; at ang mga General/ Director General ay magkakaroon ng Php481,770 mula sa Php67,500 na sahod nito ngayon. 
 
Ayon pa kay Trillanes, ang panukalang batas na ito ay isang malaking hakbang sa laban kontra korapsyon ng gobyerno; at makatutulong upang mapanatili at makakuha ng mga mahuhusay na kawani kasama ang mga guro, sundalo at pulis. 
 
“Sa pamamagitan ng mas mataas na sahod, ang ating mga kawani ay di na maeengganyong gumawa pa ng mga kalokohan para lang madagdagan ang kakarampot nilang sahod. Sa halip, sila ay gaganahang maging mahusay at epektibong mga lingkod-bayan,” dagdag pa ni Trillanes.
 
Hamon pa ni Trillanes kay Duterte, “Nangako ang Pangulo na itaas ang sahod ng mga guro, sundalo at pulis kaya naman inihain ko ang SBN 90 para maisakatuparan ito.”