Trillanes bats pay hike of civil servants, soldiers

Recognizing the significant role that our civil servants, and military and uniformed personnel play in nation building, Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV filed a bill seeking to increase their salary and make the government compensation system competitive with the private sector.

Under Senate Bill No. 1689, or the proposed Salary Standardization Law 4, the government shall adopt an omnibus compensation and position classification system for civil servants, and military and uniformed personnel. The improved salary scale provides the lowest government rank, Job Grade 1, with a base pay of Php16,000 from the present rate of Php9,000; and the highest government rank, the President, with a base pay of Php500,000 from the present rate of Php120,000. For military and uniformed personnel, base pay ranges from Php23,000 for a private to Php282,800 for a four-star general.

With the improved civil service structure and compensation system that is at par with the private sector, Trillanes said this will enable the government to attract, retain, and maintain a corps of competent civil servants and military and uniformed personnel. He also hopes that this will prevent the exodus of professionals, scientists and highly skilled workers to better paying jobs abroad, such as what is happening to our teachers, doctors and PAG-ASA meteorologists.

Trillanes, explained further that the bill is also an anti-corruption measure: “Due to the competitive compensation package, our public servants will no longer consider resorting to unscrupulous activities in order to augment their meager income, and, instead, focus their efforts and energy to public service, curbing corruption and cutting red tape."

“Our civil servants serve as the front line of our government in providing our people with basic needs and public services. They are the backbone of governance and administration. Thus, it is a matter of duty for the government to ensure that our civil servants are being cared for, and are able to provide for their personal and family needs. In the end, it is the people who will benefit from a better compensated and corruption-free bureaucracy,” Trillanes, chairman of the Senate committee on Civil Service and Government Reorganization, emphasized. #

Tagalog version:

Dagdag sahod ng mga sundalo at iba pang kawani ng gobyerno, tinutulak ni Trillanes

Bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kawani ng gobyerno, mga pulis at sundalo, naghain si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod ng mga ito, kahalintulad ng natatanggap ng mga nasa pribadong tanggapan. 

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1689 o ang  panukalang Salary Standardization Law 4, isasaayos ang kasalukuyang sistema ng pasweldo sa mga kawani ng gobyerno. Sa bagong sistema, inaasahang tatanggap ang may pinakamababang katungkulan sa gobyerno ng Php16,000 mula sa kasalukuyang Php9,000; at ang may pinakamataas na posisyon ng  Php500,000 mula sa kasalukuyang Php120,000. Para naman sa mga sundalo at pulis, ang kanilang pasahod ay aabot ng Php23,000 hanggang Php282,800.

Ayon kay Trillanes: “Dahil sa isinaayos na sistema ng pasahod sa gobyerno, inaasahang mas makakakuha ng magagaling na kawani ang gobyerno at maiiwasan ding mangibang bansa ng mga ito tulad ng nangyayari sa ating mga guro, doktor at mga kawani ng PAG-ASA.”

Ipinaliwanag din ni Trillanes na ang panukalang batas na ito ay isa ring paraan upang maiwasan ang korupsyon. Ayon sa kanya: “Dahil sa pasahod na maihahalintulad sa mga natatanggap ng mga nasa pribadong tanggapan, hindi na ikokonsidera pa ng ating mga kawani ang paggawa ng mga illegal na gawain para lamang madagdagan ang kakarampot nilang kinikita.”

“Ang ating mga kawani ang unang mukha ng gobyerno. Sila ang sandigan ng ating pamahalaan sa pagbibigay serbisyo sa mga ating mga kababayan. Dahil dito, marapat lamang na sila ay pangalagaan at siguraduhing may sapat na kita para sa kanilang pamilya. Sa huli, ang taong bayan pa rin ang makikinabang sa burukrasyang may mataas na pasahod at walang korupsyon.”#