Trillanes belies black propaganda linking him as author of anti-military, police measure

Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV vehemently denied on Sunday malicious text messages circulating recently in military and police camps, tagging him as one of the key sponsors of a bill that would substantially cut back the retirement benefits of police and military personnel.

 

The supposed “PNP/AFP Retirement Bill” would remove several benefits that military and police personnel will receive upon reaching the mandatory age for retirement, but Trillanes said there was no such bill pending in the Senate.

   

“This is obviously a black propaganda orchestrated by my political enemies. For the record, there is no such bill filed by this senator existing in the legislative index of the Senate or would I have advocated for such bill,” Trillanes said.

 

According to Trillanes, he has always been supportive of the causes to uplift the plight of the men and women in uniform being a former member of the Philippine Navy with the rank of lieutenant senior grade.

 

Among the measures he has put forward in the Senate for the AFP/PNP welfare benefits are:

 

  • Senate Bill No. 204 to increase the quarters allowance of AFP personnel to P5,000 for enlisted personnel, and P10,000 to P15,000 for officers;

 

  • Senate Joint Resolution 5 to increase the subsistence allowance from P90 to P150 per day for AFP personnel;

 

  • Senate Joint Resolution 8 to increase the combat duty pay of PA and PMAR troops to 25 per cent of their base pay;

 

  • AFP Insurance Coverage Act to grant additional P250,000 death and disability benefits, and P100,000 medical assistance to members killed/injured in line of duty;

 

  • Senate Bill No. 205 to provide payment of the arrears in the veterans’ pensions and benefits;

 

  • Senate Bill No. 393 to increase the combat duty pay of PNP combat personnel to 25 per cent of their base pay;

 

 

  • Senate Bill No. 197 to increase quarters allowance of PNP personnel; and

 

  • PNP Insurance Coverage Act to grant additional P250,000 death disability benefits, and P100,000 medical assistance to members killed/injured in line of duty.

 

 

“Through the years, I have worked toward the uplifting of the lives of our military and police personnel by introducing bills which I hope would have tremendous impact on their professional and economic lives.” 

 

“I was one of the authors of the new Salary Standardization Law which upgraded the salaries of our military and police personnel and all government employees,” he said.

 

In the same year, he added, the Military Service Board was created to process pending claims of war veterans. Recently, the new AFP Modernization Law, with which he is a co-principal author, was signed into law to extend the AFP Modernization Program for another 15 years and help the armed forces improve their capabilities to deal with internal and external threats.

 

Trillanes, a staunch supporter of the cause of military and police officers in the country, played an important role in exposing various corrupt practices within the military organization.

 

This prompted him to rise against the government of then president Gloria Arroyo. He then ran and won a seat in the Senate based on a strong anti-corruption platform and with a strong support from his former colleagues in the military. #

 

 

Tagalog version

 

 

Trillanes, kinondena ang ‘black propaganda’ laban sa kanya

Mariing kinondena ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang kumakalat na mapanirang mga text message sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nag-uugnay sa kanya bilang isa sa may-akda ng umano’y panukalang batas na naglalayong bawasan ang benepisyong natatanggap ng mga retiradong sundalo at pulis.

Ang sinasabing “PNP/AFP Retirement Bill” ay magtatanggal ng ilang benepisyo ng mga sundalo at pulis pagtungtong nila sa edad ng pagreretiro, ngunit itinanggi ni Trillanes na may ganitong panukala na nakahain sa Senado.

 

“Ito ay isang black propaganda na ginawa ng mga kalaban ko sa pulitika. Walang naturang panukala na nakahain sa Senado, at lalong wala akong hinahain na ganoong panukalang batas. Hinding-hindi makakakuha ng aking suporta ang anumang panukala na makasasama sa kapakanan ng ating mga sundalo at pulis,” sabi ni Trillanes.

Dagdag pa ni Trillanes, lagi at nananatili siyang sumusuporta sa anumang hakbang upang mapainam ang kapakanan ng kasundaluhan at kapulisan lalo pa't dati siyang miyembro ng Philippine Navy na may ranggong lieutenant senior grade.

Ilan sa mga panukalang nagbibigay benepisyo sa mga kawani ng AFP at PNP na isinusulong ni Trillanes sa Kongreso ay ang mga sumusunod:


• Senate Bill (SB) No. 204  na nagdadagdag ng quarters allowance ng mga kawani ng AFP tungo sa P5,000 para sa enlisted personnel, at P10,000 hanggang P15,000 para sa mga opisyal;

• Senate Joint Resolution (SJR) No.5 na nagtataas ng subsistence allowance ng mga kawani ng AFP mula P90 tungo sa P150 kada araw;

• SJR 8 na nagdaragdag sa combat duty pay ng mga miyembro ng Philippine Army at Marines tungo sa 25 porsiyento ng kanilang batayang sahod;

•Ang AFP Insurance Coverage Act na naggagawad ng karagdagang P250,000 death disability benefits, at P100,000 medical assistance sa mga sundalo na namatay o nasugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

• SB 205 na nagbibigay ng karagdagang pondo sa AFP upang mabayaran ang mga nalalabing benepisyo at pensyon ng mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig;

• SB 393 na nagtataas ng combat duty pay ng mga PNP personnel tungo sa 25 porsyento ng kanilang batayang sahod;

• SB 197 na nagtataas ng quarters allowance ng mga kawani ng PNP; at

• Ang PNP Insurance Coverage Act na nagbibigay ng karagdagang P250,000 death disability benefits, at P100,000 medical assistance sa mga pulis na namatay o nasugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin.



“Sa nagdaang mga taon, tayo po ay kumilos upang mapabuti ang buhay ng ating mga sundalo at pulis, maging ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng ating mga panukalang batas. Naniniwala po ako na kung maisasakatuparan ang mga panukalang ito, malaki ang maidudulot nitong pagbabago sa kanilang buhay at ng kanilang mga pamilya.”

“Ako po ay isa sa mga nagpanukala ng bagong Salary Standardization Law na nagbigay ng karagdagang sahod sa ating mga sundalo at pulis, at sa iba pang kawani ng gobyerno,” ani Trillanes.

Noong taon ding iyon, dagdag pa niya, naitatag ang Military Service Board na ginawa upang magproseso ng nalalabing aplikasyon para sa pensyon at benepisyo ng ating mga beterano.

Nito lamang ay naisabatas ang bagong AFP Modernization Law kung saan isa si Trillanes sa mga pangunahing may-akda. Sa ilalim ng naturang batas, palalawigin ang modernization program ng AFP sa loob ng 15 taon upang matulungan ang militar na mapalakas ang kakayahan nitong lumaban sa mga banta mula sa loob at labas ng bansa.

Bilang masugid na tagasuporta ng mga hakbang para sa kapakanan ng ating mga sundalo at pulis, nakilala si Trillanes sa pagbubulgar nito ng mga katiwalian sa loob ng AFP.

Ito ang nagbunsod sa kaniya upang tumutol sa pamamahala ng noo’y pangulo na si Gloria Arroyo. Matapos noon ay tumakbo siya at nanalo bilang senador sa ilalim ng isang matibay at tapat na plataporma laban sa katiwalian, at batay na rin sa malakas na suporta ng kaniyang dating mga kasamahan sa AFP. #