Trillanes calls on DFA, DOE to prepare for Saudi-Iran Crisis

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV on Thursday calls on the Department of Foreign Affairs (DFA) and the Department of Energy (DOE) to prepare contingency plans that could be immediately implemented should the brewing tension in the Middle East, particularly between Iran and Saudi Arabia, continue to escalate.

Trillanes said, “The rapid deterioration of the situation in the Middle East, particularly between Iran and Saudi Arabia is quite alarming. The DFA and DOE should start preparing contingency plans to ensure the safety of the more than two million OFWs in the region, and to anticipate the crisis' impact on our energy needs."

Trillanes, chairman of the Senate Committee on National Defense and Security, proposed "It is high time that we appoint a Cabinet-level crisis manager for the Middle East to make sure that somebody is on top of the situation on both strategic and operational levels."

Earlier this week, Saudi Arabia has announced that it is cutting its diplomatic ties with Iran, following a massive and destructive rally by Iranians in front of the Embassy of Saudi Arabia in Iran. This came after Saudi’s execution of Shiite cleric Nimr al-Nimr last January 2. According to some analysts, an escalation of the tension between these two countries can be a potential threat to global oil prices.

“As early as now, the Department of Foreign Affairs should map out emergency response/repatriation measures in case the situation worsens and we need to evacuate or at least ensure the safety of our OFWs in the region. Also, the Department of Energy should look for alternative sources of oil and formulate energy reduction policies to mitigate the impact of this crisis," Trillanes further noted.

The country has been importing oil from Saudi Arabia since 1993 and the crisis could greatly aggravate the volatile energy situation in the country.

Trillanes added, "Our government should have a proactive mindset and should anticipate all possible scenarios, so  that we won't be caught flat-footed again." #

----------------------

Tagalog version:

 

Trillanes: DFA, DOE dapat paghandaan ang Saudi-Iran krisis

 

Nanawagan ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Energy (DOE) na maghanda ng contingency plans na agarang maipatutupad kung sakaling lumalala ang namumuong tensyon sa Middle East, lalo na sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia.

 

Ani Trillanes, “Ang mabilis na paglala ng sitwasyon sa Middle East, lalo na sa Iran at Saudi Arabia, ay nakababahala. Dapat nang simulan ng DFA at DOE ang paghahanda ng contingency plans para masiguro ang kaligtasan ng higit sa dalawang milyong OFW sa rehiyon, at para mapaghandaan din ang epekto ng krisis sa pangangailangang pang-enerhiya ng bansa.”

 

Mungkahi pa ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security,

 “Napapanahon na upang mag-talaga ng isang Cabinet-level crisis manager para Middle East upang masiguro na mayroong mamamahala sa sitwasyon, sa parehong strategic o operational na antas.”

 

Nitong linggo, inanunsiyo ng Saudi Arabia na pinuputol na nila ang kanilang ugnayan sa Iran matapos ang pag-atake ng mga nagpo-protesta sa Embahada ng Saudi Arabia sa Tehran. Ito ay kasunod ng pagbitay ng Saudi kay Shiite cleric Nimr al-Nimr noong Enero 2. Ayon sa ilang eksperto, ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ay may potensyal na banta sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis.

 

“Ngayon pa lamang ay dapat nang maglatag ang Department of Foreign Affairs ng mga emergency response/repatriation plan kung sakaling lumala pa ang tensyon at kailanganing lumikas ng mga OFWs sa rehiyon. Gayundin, ang Department of Energy ay dapat nagsisimula nang humanap ng mga alternatibong pagkukunan ng langis at gumawa ng energy reduction policies upang mabawasan ang epekto ng krisis na ito,” dagdag pa ni Trillanes.

Simula noong 1993, nag-aangkat na ang Pilipinas ng langis mula sa Saudi Arabia, at ang krisis na ito ay maaaring may negatibong epekto sa energy situation ng bansa.

 

Dagdag pa ni Trillanes, “Ang ating gobyerno ay dapat magkaroon ng proactive na pag-iisip at dapat ay laging handa sa anumang sitwasyon upang hindi na naman tayo nabibigla sa mga isyung nangangailangan ng agarang aksyon.” #