Trillanes files bill granting PNoy Emergency Powers

Sen. Antonio “Sonny” F. Trillanes IV files a bill granting emergency powers to Pres. Benigno S. Aquino III in view of the threat of rotating blackouts in the franchise area of the Manila Electric Company (MERALCO) this coming summer months, as aired by MERALCO, the country’s biggest power distribution utility, in the pleading it recently filed with the Supreme Court.
 
“With the powers granted under this Bill, it is expected that the President would be able to address the looming energy crisis, if not immediately, at least on the short and medium term,” Trillanes explained.
 
Under the proposed law, Senate Bill No. 2051, President Aquino shall be granted the power to enter into negotiated contracts for the construction, repair, rehabilitation, improvement and/or maintenance of power plants, projects and facilities whenever necessary for the national welfare and in the public interest.
 
“Out of the abundance of caution, this measure expressly prohibits the government from granting sovereign guarantees for the payment of obligations incurred by the Independent Power Producers (IPPs).  Likewise, this measure proscribes the inclusion of onerous ‘take or pay’ contracts or similar provisions which appeared to have been abused in the past”, Trillanes clarified.
  
In an apparent bid to stem rotating blackouts in Luzon, the Bill likewise empowers the President to compel Independent Power Producers (IPPs) to sell power to distribution utilities like MERALCO as well as power distribution cooperatives and to fix the rate of return of the IPPs on their rate base to a reasonable rate not to exceed twelve percent (12%) per annum.
 
The President shall also be empowered under this bill to authorize the use of all available funds as well as Special Funds, including the Malampaya Fund, to finance the maintenance, rehabilitation, and replacement of energy infrastructure in preparation for and/or in response to natural and man-made calamities, as well as to finance subsidy for energy consumption by end users in case of market failure.
 
 “Through this bill, the President would be in a better position to protect consumers, who are already reeling not only from the recent calamities but also from seemingly endless actual and/or threatened increases in the cost of gasoline and diesel, liquefied petroleum gas (LPG), water, transport fare as well as in the premium contributions imposed by the Social Security System and PhilHealth, and the public-at-large from the debilitating effects not only of rotating blackouts but also from the unprecedented and record-setting increases in the cost of power,” Trillanes added.

Tagalog version:

Trillanes isinusulong ang pagbibigay ng emergency powers kay PNoy
 
Naghain ng panukalang batas si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes na nagbibigay ng emergency power kay Pangulong  Benigno S. Aquino III upang tugunan ang babala ng Manila Electric Company (MERALCO), ang pinakamaking power distribution utility sa bansa, sa isang malawakang blackout sa mga lugar na nasasakupan nito sa darating na tag-init.
 
“Sa pamamagitan ng panukalang ito, binibigyan natin ang Pangulo ng sapat na kakayahan at mandato upang sapat na matugunan ang isang naka-ambang power crisis,” paliwanag ni Trillanes.
 
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2051 o panukalang Electric Power Crisis Act of 2014 na inihain ni Trillanes,papayagan ang Pangulo na pumasok sa mga kontratang may kinalaman sa pagpapagawa, pagsasaayos, rehabilitasyon at pagpapanatili ng mga planta ng kuryente, para sa interes ng publiko.
 
“Hayagang ipinagbabawal ng panukalang ito ang pagbibigay ng pamahalaan ng sovereign guarantee sa mga obligasyong pinansyal ng mga Independent Power Producers (IPPs). Ipinagbabawal din nito ang pagkakaroon ng mga kwestyunableng ‘take or pay’ na kasunduan o kahit anong kahalintulad na probisyon na lumalalabas na naabuso sa mga nakaraang kasunduan,” paglilinaw ni Trillanes.
 
Upang mapigilan ang mga napipintong blackout sa Luzon, binibigyang kapangyarihan ng SBN 2051 ang Presidente na magtakda sa mga Independent Power Producers (IPP) upang magbenta ng enerhiya sa mga distrubition utilities tulad ng MERALCO at mga power distribution cooperatives, at isaayos ang ‘rate of return’ ng mga  IPPs sa kanilang rate base sa di lalagpas na 12 porsyento kada taon.
 
Binibigyan kapangyarihan din ng panukalang ito ang Presidente na gumamit ng pondo at Special Funds, kasama na ang Malampaya Fund, para sa pagpapanatili at pagsasaayos ng mahahalagang imprastrakturang pang-enerhiya bilang paghahanda o pagtugon sa mga epekto ng kalamidad.
 
“Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, ang Presidente ay magkakaroon ng sapat na kakayahan upang protektahan ang mga consumers, na pilit na umaahon mula sa epekto ng mga kalamidad at tila walang hanggang pagtaas ng presyo ng mga petrolyo, tubig, pamasahe, kasama na rin ang nasasabing pagtaas ng kontribusyon sa SSS at PhilHealth, at ang pangkalahatang publiko, mula sa epekto ng malakihang pagtaas ng presyo ng kuryente, gayun din sa nakakapanlumong epekto ng malawakang blackouts,” dagdag ni Trillanes.#