Trillanes: Gilas’ triumph embodies Filipino spirit

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV files resolution congratulating and commending the coaching staff, officials and members of the Gilas Pilipinas National Team for bagging the silver medal in the FIBA Asia and qualifying in the 2014 FIBA Basketball World Cup in Spain.
 
Trillanes said: “This victorious resurgence in the history of Philippines Basketball reclaims the stature of Philippines as a dominant force in Asian basketball. And the outstanding performance of Gilas Pilipinas deserves the recognition for having brought honor and pride to our countrymen.”
 
Under Senate Resolution No. 185, Trillanes recognizes the gallant stance made by the Philippine team. During the championship fight between Iran and Philippines, even without their “big man” Marcus Douthit, the National Team managed to put up a good fight despite falling 85-71, and settling for a silver medal. Prior to this, the Gilas Pilipinas basketball team defeated South Korea thereby allowing the Philippines to advance and compete in the world basketball stage after 35 long years of absence.
 
The competitive and high-spirited Gilas Pilipinas is headed by Coach Chot Reyes and elite players namely Junmar Fajardo, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Gary David, Jeff Chan, Larry Fonacier, Gabe Norwood, Jayson Castro, LA Tenorio, Jimmy Alapag, and Marcus Douthit.
 
“Despite the seemingly insurmountable odds – huge height disadvantage against opponents and injuries plaguing our players – the Philippine team managed to bring out the best of the Filipino spirit, and proved their worth as true Filipino champions through their passion and skills,” Trillanes remarked. #

--------------------------------------------

Tagalog version:

Trillanes: Gilas, kampeon ng bawat pinoy
 
Naghain si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng resolusyon na bumabati at kumikilala sa coaching staff, mga opisyal at miyembro ng Gilas Pilipinas National Team para sa kanilang pagkakapanalo ng silver medal sa FIBA Asia, gayundin ang pagkakasama nila sa 2014 FIBA Basketball World Cup sa Espanya.
 
Ayon kay Trillanes: “Ang tagumpay ng Gilas ay nagbalik sa ating bansa bilang dominanteng pwersa sa larangan ng basketball sa Asya.  Ang ipinakitang galing ng Gilas ay nararapat lamang papurihan dahil sa karangalang ibinigay nito sa ating bansa.”
 
Sa ilalim ng Senate Resolution No. 185, kinikilala ni Trillanes ang ipinakitang galing ng Philippine Team. Sa championship match sa pagitan ng Iran at Pilipinas, bagamat wala ang kanilang “big man” na si Marcus Douthit, nagawa pa rin ng National Team na magbigay ng isang magandang laban. Nauna nang tinalo ng Gilas Pilipinas ang South Korea na nagpasok sa grupo sa kampeonado at nagbalik sa ating bansa sa world basketbol stage matapos ang tatlumpu’t limang (35) taon.
 
Ang magagaling at matitikas na Gilas Pilipinas ay pinangungunahan ni Coach Chot Reyes at ang mga manlalarong sina Junmar Fajardo, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Gary David, Jeff Chan, Larry Fonacier, Gabe Norwood, Jayson Castro, LA Tenorio, Jimmy Alapag, and Marcus Douthit.
 
“Bagamat dehado sa laban ang Gilas bunga ng malaking height disadvantage, at ng injuries ng mga manlalaro nito, nagawa pa rin ng Philippine team na ibigay ang lahat sa ngalan ng pagiging Pilipino. Pinatunayan din nila ang kanilang pagiging totoong Pilipinong kampeon sa pamamagitan ng kanila kakayahan at pagmamahal sa larong basketbol,” sabi ni Trillanes.#