Trillanes hails passage of bill increasing burial assistance for veterans

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes welcomes the passage into law of House Bill No. 694 under Senate Committee Report No. 57, or the bill that doubles the burial assistance for veterans, now Republic Act No. 10649.


“We thank President Aquino for providing this much needed support to the families of our veterans after their demise. It is suitable to accord our veterans, who risked their lives for the protection of our liberty and democracy, with an increased burial assistance,” said Trillanes, chairman of Senate Committee on National Defense and Security and principal sponsor of the said measure.

Under RA 10649, or the law amending Republic Act No. 6948, as amended, burial assistance for veterans will be increased to P20,000 from P10,000, which has been given to dependents of qualified veterans since 1994. Said amount will be provided upon application within two (2) years from the death of the veteran concerned. The expenses for the initial implementation would be sourced from the current year’s appropriations for burial expenses of the Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Trillanes added that although the said amount may not be enough to defray all the costs for the burial of our veterans, the said law will be able to accord our veterans due recognition for their patriotic service in our country, while assisting their families in their time of need.

This law will take effect on 12 December 2014, 15 days after the publication of the law in the Official Gazette.#

Tagalog version:

Trillanes, pinuri ang pagsasabatas ng dagdag benepisyo para sa mga beterano

Ipinagpasalamat ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pagsasabatas ng House Bill No. 694, na nakapaloob sa Senate Committee Report No. 57, o ang panukalang batas na dodoble sa kasalukuyang burial assistance para sa mga nasawing beterano o retiradong sundalo, na ngayon ay kilala bilang Republic Act. 10649.

“Tayo ay nagpapasalamat kay Presidente Aquino sa pagbibigay ng ganitong suporta sa pamilya ng mga nasawing beterano. Nararapat lamang na madagdagan ang benepisyong binibigay sa ating mga beterano, na minsa’y nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bansa,” ani Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security at pangunahing isponsor ng nasabing panukala.

Sa ilalim ng RA 10649, o ang batas na nag-aamyenda sa Republic Act No. 6948, itataas sa P20,000 ang burial assistance na binibigay sa naiwang pamilya ng mga nasawing beterano, na simula 1994 ay tumatanggap lamang ng P10,000. Ang nasabing tulong ay makukuha pagkatapos isumite ang mga nararapat na papeles sa loob ng dalawang taon mula nang masawi ang isang beterano. Ang pondo para dito ay manggagaling sa kasalukuyang badyet ng Philippine Veterans Affairs Office para sa burial expenses.

Dagdag pa ni Trillanes, di man masasagot ng nasabing halaga ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa mga beterano, inaasahan na makakatulong ito nang malaki sa kanilang naiwang pamilya, at nawa ay mabigyan nito ng nararapat na pagkilala ang kanilang tapat na paglilingkod sa ating bansa.

Ang RA 10649 ay nakatakdang ipatupad simula Disyember 12, 2014, labinlimang araw matapos ito ilathala sa Official Gazette.#