Trillanes: I am determined to finish and win the VP race

In light of the circulating rumor that Nacionalista president Manny Villar sent an emissary to Vice Presidential candidate Antonio Trillanes IV to give way in favor of Vice Presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos, Trillanes clarifies that there is no truth to the said rumor and that he is still running for Vice President. 

"I am not backing out. I am determined to finish and win the VP race."
"I've been in tougher situations before but never have I turned my back. When I decided to run for Vice President, I knew this would be a long shot, but with the unfailing trust and support of my family, friends and our kababayans, I continue to believe that victory in the VP race can be still achieved," said Trillanes. ###


Tagalog version:

Trillanes: Determinado akong tapusin ang laban at manalo bilang Bise-Presidente
Sa gitna ng mga bali-balitang nagpadala di-umano ng emisaryo si Nacionalista President Manny Villar kay tumatakbong bise presidente  Antonio Trillanes IV, upang paki-usapan itong magparaya para sa pagtakbo ng isa pang kandidato sa pagkabise-presidente na si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, nilinaw ni Trillanes na walang katotohanan ang balitang ito, at tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo bilang bise-presidente. 
“Hindi ako aatras. Determinado akong tapusin ang laban at manalo bilang Bise-Presidente.”
“Mas matindi at mas mahirap pa ang mga pinagdaanan ko noon, pero kahit kailan ay hindi ako tumalikod sa aking mga laban. Nang ako’y magdesisyong tumakbo bilang bise-presidente, alam kong hindi ito magiging madali. Ngunit dahil sa walang patid na tiwala at suporta ng aking pamilya, mga kaibigan, at ng ating mga kababayan, patuloy akong naniniwala at nagtitiwala na makakamit natin ang tagumpay sa VP race,” ani Trillanes.###