Trillanes: K+12 won’t solve diminishing quality of education

Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV said the introduction of K+12 program would only worsen the school dropout rate and make the cost of education in the country prohibitive.

 

Trillanes said K+12, the government’s flagship education program set to be implemented by the Department of Education (DepEd) this coming school year, was not a practical solution to arrest the declining quality of education.

 

“With the severe shortage in our classrooms and teaching personnel, why is DepEd instituting a program that will further aggravate our shortage in vital resources for education?” Trillanes asked.

 

According to Trillanes, K+12 plan will not only entail additional costs to government but also to parents of students, who are already burdened by the escalating prices of food, utilities, gasoline and LPG, among others.

 

He also warned that DepEd’s program would further aggravate the country’s dropout rate.

 

“For every 100 who enter Grade 1, only 43 are finish high school and only 14 would actually finish college,” Trillanes said. “Considering the current economic situation, I do not think you have to be a genius to see that the dropout rate would be further exacerbated if we impose a mandatory lengthening of our school curriculum by two years.”

 

Trillanes also debunked DepEd’s claim that the program would improve the quality of basic education and address youth unemployment, citing a recent study by former Education Deputy Minister Abraham Felipe and Dr. Carolina Porio which showed that “there is no correlation between the number of years of basic education and the overall quality of education.”

Trillanes mentioned the case of students from Singapore who performed best in the Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) from among 50 countries which have the same length of high school cycle as the Philippines.

 

On the other hand, Trillanes said, countries that have longer high school cycles like South Africa, Chile, Palestine, Morocco and Saudi Arabia belong to the group that have low-performing high school students.

 

Trillanes set aside DepEd’s argument that 18-year-old students who will graduate from the K+12 program will be “employable” even without a college degree.

 

“If thousands upon thousands of college degree holders now cannot find employment, what makes the DepEd believe that it can solve our unemployment problem by producing ‘employable’ high school graduates?” he pointed out.

 

“Statistics reflect that probably our country’s high unemployment rate particularly from the youth sector may not be linked with the country’s shorter education cycle but instead may be better addressed by reviewing our country’s existing economic system and the government’s job generation policies,” the young senator explained. #

Trillanes: K to 12 maling solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas

 

Nagbabala si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV na lalong lalala ang drop-out rate at tataas ang halaga ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng programang Enhanced Kindergarten to Grade 12 (K to12) ng Department of Education (DepEd).

 

Nanindigan ang senador na ang K to12 na ipatutupad ng DepEd simula sa darating na pasukan ay hindi praktikal na solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

 

“Ngayong malala pa rin ang kakulangan ng mga silid-aralan at mga guro, bakit kinakailangang magpasimula pa ang DepEd ng isang programa na lalong magpapalala ng kondisyon ng mga pangunahing pangangailangan sa edukasyon?” tanong ni Trillanes.

 

Ang programang ito ng DepEd ay hindi lamang nangangahulugan ng karagdagang gastos sa gobyerno kundi maging sa mga magulang na hirap nang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, dagdag pa ng senador.

 

Ayon kay Trillanes, ang programang ito ng DepEd na umano’y naglalayong mapalawak ang basic education sa bansa mula 10 taon patungong 13 taon, ay magpapalala pa sa mataas na drop-out rate sa bansa.

 

“Sa bawat 100 na mag-aaral sa Grade 1, 43 lamang ang nakakatapos ng high school, at 14 ang makakapagtapos sa kolehiyo,” ani Trillanes. “Kung ating isasaalang-alang ang kasalukuyang estado ng ekonomiya, hindi mo kinakailangang maging genius para makita na ang drop-out rate ay lalo lamang tataas kung ipapatupad ang dalawang taong dagdag sa school curriculum.”

 

Pinabulaanan din ni Trillanes ang sinasabi ng DepEd na ang naturang programa ang magpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa bansa at ang solusyon sa kawalan ng trabaho sa mga kabataan.

 

Ayon kay Trillanes, base sa kamakailang pag-aaral na ginawa ni former Education Deputy Minister Abraham Felipe at ni Dr. Carolina Porio, na “walang kaugnayan ang bilang ng taon ng pag-aaral sa pangkalahatang kalidad ng edukasyon.”

 

Hinalimbawa ni Trillanes ang situwasyon sa mga bansa na may mahabang secondary level ng school cycle tulad ng South Africa, Chile, Botswana, Morocco at Saudi Arabia na pawang nabibilang sa mga low-performing high school students sa mundo.

 

Kaduda-dura rin umano ang argumento na ang isang 18-year-old na magtatapos sa ilalim ng  programa ng K to12 ay magiging “employable” kahit walang college degree.

 

“Kung ang libu-libong mga estudyanteng nagsipagtapos ng kolehiyo ay hindi makahanap ng trabaho, paano naisip ng DepEd na kaya nilang resolbahin ang unemployment sa pamamagitan ng mga umanoy ‘employable’ high school graduates?” giit ni Trillanes.

 

“Batay sa statistics, hindi maaaring iugnay ang mataas na unemployment rate sa bansa lalo na mula sa youth sector sa maikling education cycle sa Pilipinas. Sa halip, mas makabubuti kung rebisahin na lamang ang kasalukuyang sistema ng ekonomiya at job generation policy ng pamahalaan,” paliwanag pa ni Trillanes. #