Trillanes lauds PNoy for signing law to boost health research dev't

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV expressed gratitude to President Benigno Aquino III for signing into law his proposal to institutionalize research and development in the country's health system as a way of boosting information and prevention of diseases.
 
“I am grateful to the President for signing this into law. I believe that the best defense against illness is information and prevention. Knowing what to expect, from a medical point of view, can make things more manageable,” said Trillanes, principal author of the legislation now known as the Philippine National Health Research System Act of 2013.
 
The law will institutionalize the Philippine National Health Research System (PNHRS) to connect health research to the needs of health system, the engagement of partnerships and networks both national and international for health research development, and the sustainability of health research resources.
 
“Our country's ability to ensure optimum health for every Filipino is determined by the degree of priority we grant to health research and development activities, and this law is a vital step in attaining this goal,” Trillanes added.
 
This is one of the laws put forward by Trillanes, who won a fresh mandate in the May 13 elections. The young legislator is one of the most productive senators in the 14th and 15th Congress, having filed 734 bills and resolutions, 33 of which became law. # 
-------------–----------------
Tagalog version: 
Trillanes nagpasalamat kay PNoy sa paglagda sa health research development law
Pinasalamatan ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV si Pangulong Benigno Aquino III sa pagsasabatas ng kaniyang panukala na gawing bahagi ang research and development ng sistema ng pangkalusugan sa bansa upang maitaas ang antas ng pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa pag-iwas sa mga sakit.
“Nagpapasalamat po tayo sa Pangulo sa kaniyang pagpirma upang maging batas ito. Naniniwala ako na ang pinakamagandang depensa kontra sakit ay ang tamang impormasyon. Kung alam natin ang dapat gawin mula sa medical point of view ay mas makakaiwas tayo sa mga sakit,” ani Trillanes, pangunahing may-akda ng Philippine National Health Research System Act of 2013.
Ang nasabing batas ay bubuo ng Philippine National Health Research System (PNHRS) upang iayon ang mga pagsisiyasat sa mga pangangailangan ng sektor ng kalusugan, gayundin ang pagpapaigting ng koordinasyon ng mga institusyong pangkalusugan sa loob at labas ng bansa tungo sa pagpapatibay ng iba't ibang uri ng datos na may kaugnayan sa kalusugan.
“Ang kakayahan ng ating bansa upang masiguro ang maayos na kalusugan ng bawat Pilipino ay nakabase sa binibigay na prayoridad sa health research at ang pagpapaunlad sa mga aktibidad na kaugnay nito. Ang batas na ito ay mahalaga upang tuluyang maisakatuparan natin ito,”giit ni Trillanes.
Ang PNHRS Act of 2013 ay isa sa mga ipinanukala ni Trillanes na muling nakabingwit ng panibagong termino sa katatapos lamang na eleksyon. Ang batang mambabatas ay isa sa mga pinakaproduktibong senador ng ika-14 at ika-15 Kongreso kung saan naghain siya ng 734 panukalang batas, 33 sa mga ito ay ganap nang naisabatas.#