Trillanes lauds PNoy for signing new geology profession law

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV has lauded President Benigno S. Aquino III for repealing the 46-year-old geology profession law and making the standards of geology practice in the country excellent and globally competitive.

The Geology Profession Act of 2012 or Republic Act (RA) No. 10166 replaces RA 4209 or the Geology Profession Act of the Philippines to make the geology profession attuned to the present conditions and global standards, while protecting the practice of profession in the country from unqualified foreign nationals.

“The geology profession has grown and has become even more vital in our society as well in our economic activities, particularly in addressing our country’s present needs in areas such as energy sources, mineral resources, land development, mitigating natural hazards, geotechnical and geothermal studies for infrastructures, and environmental planning and monitoring,” said Trillanes, principal author of the law.

The salient features of RA 10166 are:

  • Redefines and expands the coverage of the practice of geology and delineates the scope of the practice vis-a-vis other allied fields such as mining and metallurgical  engineering;
  • Establishes the Professional Regulatory Board of Geology, which shall supervise, control and regulate the practice of geology;
  • Defines the Board’s authority in the conduct of education, examination and licensing of geologists;
  • Provides guidelines for issuing certificates of registration and identification card, as well as certificates of specialization to professionals;
  • Promotes mandatory continuing professional education for geologists in order to ensure that they would be up-to-date on the latest development and innovations in their profession; and
  • Inclusion of a foreign reciprocity clause, which prohibits the practice of foreign geologists in the Philippines unless countries where they come from grant the same or similar privilege to Filipino geologists.

“I thank President Aquino for his swift action of signing this law. It is a milestone towards the development of geology profession in the country.” Trillanes added. #


Pagsasabatas ng bagong geology profession law, pinuri ni Trillanes

Pinuri ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pagsasabatas ni Pangulong Benigno Aquino III ng Republic Act (RA) 10166 o “Geology Profession Act of 2012” na nagtatakda ng pamantayan sa propesyon ng heolohiya sa Pilipinas upang ito ay maging “globally competitive.”

Ang bagong batas ay inaamyendahan ang 46-taong RA 4209 upang gawing akma sa panahon at global standards ang geology profession, at maprotektahan din ang lokal na industriya laban sa mga hindi rehistradong banyaga.

“Ang propesyon ng heolohiya ay lumalago at naging mahalagang parte ng ating lipunan sa larangan ng ekonomiya, lalo na sa ating pangangailangan sa enerhiya at mineral, paglinang ng lupa, pagpapababa ng insidente ng mga natural hazards, pag-aaral sa geotechnical at geothermal  para sa mga imprastraktura, at pagpaplano at pagbabantay sa ating kapaligiran,” ani Trillanes, pangunahing may-akda ng batas.

Tampok sa panukalang batas ang mga sumusunod:

  • Muling pinaliwanag at pinalawak ang saklaw ng propesyon ng heolohiya. Nililimitahan nito ang saklaw ng propesyon sa larangan ng mining at metallurgical engineering;
  • Itinatatag dito ang pagbuo ng Professional Regulatory Board of Geology na mamamahala at magre-regulate sa propesyon ng heolohiya. Nakahayag dito ang kapangyarihan ng board na magsagawa ng pagsusulit at maggawad ng lisensya na mga heolohista;
  • Nakasaad sa panukala ang mga tuntunin sa pagbibigay ng mga Certificate of Registration and Identification Card kabilang ang Certificate of Specialization sa mga propesyunal;
  • Nakasaad din dito ang tinatawag na “mandatory continuing professional education” para sa mga heolohista para masiguro na ang propesyon ay napapanahon at akma sa mga kasalukuyang pagbabago;
  • Kabilang din sa panukalang batas ang tinatawag na “Foreign Reciprocity Clause” kung saan ipinagbabawal ang mga dayuhang heolohista na mag-practice sa bansa maliban na lamang kung ito ay pamamagitan ng grant kapalit ng iginawad din sa mga Pilipinong heolohista.

“Ako ay nagpapasalamat kay Pangulong Aquino sa kanyang mabilis na pagtugon sa batas na ito. Ito ay malaking hakbang sa pagpapaunlad ng propesyon ng heolohiya sa bansa,” dagdag ni Trillanes. #