Trillanes, Magdalo ask SC to stop K to 12 Program

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes, together with Magdalo Partylist Representatives Gary Alejano and Francis Ashley Acedillo, on Wednesday, filed a petition with the Supreme Court, calling for the suspension of Republic Act 10533 or the K to 12 Law, which would add two additional years in high school.

In a Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order, Trillanes pointed out that the law failed to comply with the 1987 Constitution, which guarantees the right of the people and their organizations to consultation and participation at all levels of social, political and economic decision-making. The Petition emphasizes that no representative from the people most affected by the program, particularly students, college instructors, teachers and non-academic personnel, was invited to participate, or share their views and opinions during crafting of the law.

Trillanes, the sole negative vote during K to 12 Law deliberation in the Senate, added that the said law must be suspended until an adequate and comprehensive study on the impact and effects of the implementation of the said program, particularly on the already impoverished sectors of our society – the parents, the teachers, and our youth, can be undertaken. These effects of K to 12 include the mass termination of teachers and non-academic personnel of schools, particularly of college instructors, whose services will have to be terminated because there would be no incoming college freshmen for at least two (2) years as a result of the impending implementation of the K to 12 Program.

Alejano, on the other hand, emphasized: “This is not just a simple restructuring of our education system. We are talking about the future of this country. Why risk it for a program that is likely to fail? We will do our best to suspend this Program.”

Trillanes and the Magdalo, together with the Coalition for K to 12 Suspension, will hold a massive protest against the program on May 9, Saturday, at Liwasang Bonifacio in Manila.

Acedillo urged “I call on our countrymen, our parents and teachers, who also believe that the country is not yet prepared for K to 12 Program, to join us on Saturday in sending our message to the authorities, especially to President Aquino and our justices in the Supreme Court, that the people do not want this Program.”#

Tagalog version:

Trillanes, Magdalo pinatitigil sa Korte Suprema ang K to 12 Program

Nagsampa ng Petisyon sa Korte Suprema si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, kasama sina Magdalo Representatives Gary Alejano at Francis Ashley Acedillo upang hilingin ang agarang pagpapatigil ng Republic Act 10533 o kilala bilang K to 12 Law, na magdaragdag ng dalawang taon sa high school.

Sa Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order na inihain, sinabi ni Trillanes na labag sa Saligang Batas ang pagpapatupad ng K to 12 law sapagkat labag ito sa probisyon na naggagarantiya sa karapatan ng mga tao at ng kanilang kinabibilangan na organisasyon na makonsulta at makalahok sa ano mang antas ng sosyal, pulitikal, at pang-ekonomiyang pagdedesisyon. Ayon dito, hindi nakonsulta ang mga maaapektuhan ng nasabing programa, lalo na ang mga estudyante, mga guro at mga empleyado sa kolehiyo, noong binabalangkas pa lamang ang batas na ito.

Dagdag pa ni Trillanes, ang nag-iisang bumoto sa Senado laban sa K to 12, nararapat lamang na ihinto ang pagpapatupad ng programa hanggang wala pang sapat na pag-aaral na ginagawa ang DepEd ukol sa magiging epekto nito sa mga naghihirap na sektor tulad ng magulang, guro at mga estudyante. Kasama sa mga nasabing epekto ng K to 12 ay ang pagkakatanggal sa trabaho ng maraming guro at iba pang mga empleyado sa mga pribadong paaralan at kolehiyo.

Susog pa ni Alejano “Ang K to 12 program ay hindi isang simpleng pagbabago lamang ng sistema ng edukasyon sa ating bansa sapagkat kinabukasan ng ating bansa ang nakasalalay dito. Bakit kailangan nating tumaya sa isang programang hindi pa subok at hindi tayo handing ipatupad? Dahil dito gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mapahinto ang K to 12.”

Samantala, nanawagan naman si Acedillo “Hinihimok ko ang ating mga kababayan, mga kapwa magulang at mga guro at iba pang naniniwalang hindi handa ang ating bansa sa K to 12, na samahan kami sa aming panawagan kay Pangulong Aquino at sa Korte Suprema na ihinto ang pagpapatupad ng programang ito.”

Sina Trillanes at mga Magdalo, kasama ang Coalition for K to 12 Suspension, ay nakatakdang maglunsad ng isang malakihang rally laban sa Programa sa darating na Sabado, May 9, sa Liwasang Bonifacio. #