Trillanes pushes for nat’l ID system

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV files Senate Bill No. 95, establishing a national ID system.

Known as the Filipino Identification System bill, this measure seeks to consolidate all other identification system into one integrated identification system, in which the government would issue Filipino Identification Card that would serve as the identification for all citizens of the country, whether residing in the Philippines or abroad. This ID will be honored in all government transactions requiring identity of the person.

Trillanes said, “Ultimately, this measure would help the government deliver better services to the people. Having a national ID system would be helpful in our anti-crime and anti-terror campaign.  By having a centralized database, we would have easy access to information about suspects, fugitives and other lawless elements. Further, this would reduce leakage in providing social services to the people, such as the Pantawid Pamilyang Pilipino Program.”

According to the bill, the Filipino ID shall be made of tamper-proof security material.  It shall have on its face the imprinted photograph, name, birth date, sex, date of issue, signature of owner, the corresponding individual serial number issued by the Philippine Statistics Authority (PSA) and such other data as may be deemed necessary.  The Filipino ID shall also have the capability to store at least the biometric data of the individual cardholder.

The initial application for and issuance of the Filipino ID shall be free of charge as part of the government social service responsibility.  However, a replacement fee shall be paid by the cardholder.

Apart from this measure, Trillanes also filed other priority measures such as the new Salary Standardization bill; increase of SSS pension; establishment of Philippine archipelagic sea lanes; defining the Philippine maritime zones; Freedom of Information bill; institutionalizing Hotline 117; increase of old-age pension for military and other uniformed personnel; and the new comprehensive nursing bill.#

 

 ------------------------------------------------------------------------------

Nat'l ID system tinutulak ni Trillanes


 Inihain ni Senador Antonio "Sonny" F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 95 na magtatatag ng national ID system.

 Tinatawag na Filipino Identification System bill, ang panukalang ito ay naglalayong pag-isahin ang lahat ng ID system sa gobyerno sa iisang national ID system. Sa ilalim ng sistemang ito, magbibigay ang pamahalaan ng Filipino Identification card na magsisilbing pagkikilanlan ng lahat ng Pilipino, nakatira man sa loob o labas ng bansa, at maaaring magamit sa mga transaksyon sa gobyerno.

Ayon kay Trillanes, "Sa huli, ang panukalang ito ay makatutulong sa gobyerno na makapagbigay ng mas maayos na serbisyo. Mas mapagtitibay din nito ang ating kampanya laban sa krimen at terorismo. Sa pagkakaroon ng iisang database, magkakaroon tayo ng mas mabilis na pagkukunan ng impormasyon ukol sa mga kriminal. Higit pa rito, mababawasan din nito ang mga leakage sa pagbibigay ng social services, nangunguna na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program."

 Ayon sa panukalang ito, ang Filipino ID ay gagawing tamper-proof na mayroong larawan ng may-ari at mahahalagang impormasyon nito tulad ng pangalan, kaarawan, kasarian, lagda, serial number na itatalaga ng Philippine Statistics Authority, at iba pang mahalagang impormasyon. Kalakip din nito ang biometric data ng may-ari. Walang dapat bayaran ang mga Pilipino sa inisyal na pagkuha ng Filipino ID.

Maliban pa sa panukalang ito, nagsumite rin si Trillanes ng iba pang mahahalagang panukala tulad ng bagong Salary Standardization bill; pagtataas ng SSS pension; pagtatalaga ng Philippine archipelagic sea lanes; pagtukoy sa Philippine maritime zones; Freedom of Information; pagpapatibay ng Hotline 117; pagtataas ng old-age pension ng mga retiradong sundalo at ibang pang uniformed personnel; at ang bagong comprehensive nursing bill.#