Trillanes pushes for SSS pension hike in Senate

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes has re-filed the bill seeking to increase the current Social Security System pension rate, through Senate Bill No. 91.
 
Trillanes stated “It has been 19 years since the last SSS pension increase was implemented through Republic Act 8282. Since the law’s enactment and with the cost of living expenses having considerably increased over time, however, the meager amount of monthly pension of our SSS pensioners, who are old and mostly suffering from various medical conditions, has become inadequate to support their monthly food sustenance and maintenance medicines. Moreover, pensioners who retired after the effectivity of RA 8282 are even more struggling because they are receiving smaller amounts of monthly pension.”
 
Under SBN 91, all SSS pensioners shall receive an across-the-board increase of Two Thousand Pesos (Php 2,000.00), regardless of the effectivity of their retirement.
 
“We had the opportunity to provide relief to our pensioners last Congress by passing a legislation that would increase their monthly pension. The measure, however, was not signed into law. With this re-filed measure, we hope to finally provide support to our pensioners through this long overdue increase in their pension,” Trillanes added. #
============================================================================
 
 
Trillanes muling itinutulak sa Senado ang pagtaas ng SSS pension
 
Muling inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukulang naglalayong itaas ang kasalukuyang halaga ng Social Security System pension o ang Senate Bill No. 91.
 
Ani Trillanes “May 19 na taon na nang huling maitaas ang SSS pension sa pamamagitan ng Republic Act 8282. Simula nang maisabatas ito, kasama ng pagtaas pa sa cost of living expenses sa bansa, ang kakarampot na nakukuha ng ating mga SSS pensioners, na matatanda at kadalasang may sakit, ay hindi na sapat upang suportahan ang kanilang pamumuhay para makabili ng pagkain at gamot. Higit pa rito, ang mga pensioners na nagretiro matapos maipasa ang RA 8282 ay mas naghihirap dahil sa mas maliit na pension na kanilang nakukuha.”
 
Sa ilalim ng SBN 91, ang lahat ng SSS pensioners ay makakakuha ng dalawang libong pisong across-the-board na pagtaas sa pension, kailanpaman ang taon ng kanilangg pagreretiro.
 
“Nagkaroon tayo ng pagkakataong magbigay ginhawa sa ating mga pensioners noong nakaraang Kongreso sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na magtataas ng kanilang natatanggap na pension. Ngunit sa kasawiang palad, ito ay hindi nilagdaan upang maging batas. Sa pamamagitan ng panukalang ito, inaasahan natin na tuluyan nang mabibigyang suporta ang ating mga SSS pensioners sa pamamagitan ng pagsasabatas ng matagal nang inaasahang pagtaas ng kanilang pension,” dagdag pa ni Trillanes. #