Trillanes pushes for the realignment of Binay Pork to intel funds

 

In light of the recent events in Mindanao, Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV on Monday pushes for the realignment of the P200-million pork barrel of Vice President Jejomar Binay to the intelligence funds of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police.

 

“The security situation in Mindanao highlights the need to augment the military and police intelligence funds,” said Trillanes, chairman of the Senate committee on national defense.

 

Under the proposal of Trillanes, additional P100 million will be given each to AFP and PNP as part of their 2014 intelligence funds.

 

Last week, Binay asked the Congress to cancel his P200-million pork barrel allocation for 2014.

 

Trillanes, a former navy officer, is the principal author of the Revised AFP Modernization law and proponent of bills increasing the benefits of military and police personnel.#

------------------------

Tagalog version:

Trillanes: Binay pork, ilagay sa intel funds


Dahil sa mga kaganapan sa Mindanao, isinusulong ni Senador Antonio "Sonny" F. Trillanes IV ang paglipat ng P200 milyong pork barrel ni Vice President Jejomar Binay sa intelligence funds ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. 

"Ang kalagayan ng seguridad sa Mindanao ay nagpapakita ng matinding pangangailangan sa dagdag na intelligence funds ng mga sundalo at pulis," ani Trillanes, taga-pangulo ng Senate committee on national defense.

Sa ilalim ng suhestyon ni Trillanes, karagdagang P100 milyon bawat isa ang makukuha ng AFP at PNP sa kanilang 2014 intelligence funds. 

Noong nakaraang linggo, pinatanggal na ni Binay sa Kongreso ang kanyang P200-milyong alokasyon sa pork barrel para sa taong 2014. 

Si Trillanes, dating opisyal ng Navy, ang pangunahing may-akda ng Revised AFP Modernization law, at tagapagsulong ng mga panukalang batas na magdaragdag ng mga benepisyo ng mga sundalo at pulis.#