Trillanes: Relocate national capital, government center to ease traffic

As a solution to the everyday heavy traffic condition in Metro Manila, Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV has sponsored on the Senate floor Senate Bill No. 2354, seeking to transfer the country's capital and the seat of national government.

Trillanes, chairman of the Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization, and Professional Regulation, said “The past few weeks of heavy traffic in Manila have taken a toll among commuters and motorists who had to endure a couple of hours on the road before reaching their destination. To date, various measures have been employed by our government to address this worsening traffic condition but none has been proven effective yet. We need to create long term and feasible solutions to this problem.”
 
“National capitals occupy a commanding position in the stature and development of nations. They are the visible symbols of national pride and a defining vehicle for national progress. However, with its current situation, Manila, as the country’s capital, could hardly stand proud in the ranks of national capitals throughout the world.”
 
Numbeo, an online database on global statistics, in its 2015 mid-year report, released information comparing traffic data from 88 countries based on commuting time, traffic inefficiencies, commuting dissatisfaction and carbon dioxide emissions. The result showed that traffic in the Philippines is the 5th worst in the world, with African countries on top of the list. Further, according to the National Economic Development Authority, the country, particularly Metro Manila, is losing Php2.4 billion per day in potential income as a result of traffic congestion problems alone, leading to lost productivity.
 
“Even if we spend for infrastructure and develop our mass transportation system, traffic situation in Metro Manila will continue to be a problem, unless we decongest it,” Trillanes added.
 
Under SBN 2354, an ad hoc study commission will be established to look into the potential of relocating and transferring the national capital and permanent seat of the national government of the country from the City of Manila and the National Capital Region. The body will be composed of three commissioners, who will be appointed by the President, and a secretariat that will provide technical and administrative assistance to the commission. Within two years after its commencement, the commission will submit to the President a report of its study and recommendations.
 
“Through this measure, we do not only resolve the massive traffic gridlocks in Metro Mania, but also improve the administration of government, and other economic and business transactions; and subsequently spur development in other parts of the country.” Trillanes further noted.#
 
 
 
 -------------------------
 
Trillanes: Paglipat ng kabisera at sentro ng pamahalaan, sagot sa masikip na trapiko

Bilang solusyon sa araw-araw na mabigat na trapiko sa Metro Manila, inisponsoran sa Senado ni Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV ang Senate Bill No. 2354 na naglalayong palitan ang Maynila at ang National Capital Region bilang kabisera ng bansa at sentro ng pamahalaan.
Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization, and Professional Regulation, “Ang mabigat na trapiko nitong mga nakaraang buwan ay umubos sa pasensiya ng publiko na tinitiis ang mahabang oras ng byahe makarating lamang sa kanilang destinasyon. Sa ngayon, maraming programa na ang ipinatupad ng gobyerno para lang masolusyunan ang lumalalang sitwasyon ng trapiko ngunit ni isa ay walang nakatugon dito. Kinakailangan natin ng mga pangmatagalang solusyon dito.”
“Malaki ang ginagampanan ng kabisera sa pagtukoy ng estado at kaunlaran ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing simbolo ng dangal at daan sa patuloy na pag-unlad. Ngunit dahil sa kasalukuyang kalagayan ng ating kabisera, hindi natin magawang ipagmalaki o ikumpara ang Manila sa iba pang mga kabisera sa buong mundo.
Ang Numbeo, isang online database ng statistics, sa kanilang 2015 mid-year report, ay naglabas ng impormasyon na nagkukumpara sa traffic data ng 88 bansa base sa kanilang tagal ng pag-biyahe, problema sa trapiko, pagkadismaya ng mga commuters at carbon dioxide emissions. Ayon sa resulta, nasa ika-lima ang bansa sa may malalalang trapiko sa sa buong mundo, na pinangungunahan ng ilang mga bansa sa Africa. Bukod pa rito, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), nawawalan ang Metro Manila ng higit Php2.4 bilyong potensyal na kita kada araw dahil sa trapiko.
Dagdag pa ni Trillanes, “Kahit gumastos pa tayo sa imprastraktura o isaayos ang mass transportation system sa bansa, patuloy na magiging problema ang trapiko sa Metro Manila, kung hindi natin ito ide-decongest.”
Sa ilalim ng SBN 2354, isang ad hoc study commission ang itatatag na siyang aaral sa potensyal ng paglilipat ng kabisera at mga opisina ng gobyerno mula sa Manila at National Capital Region. Ang nasabing komisyon ay kinabibilangan ng tatlong komisyoner na i-aappoint ng Presidente, at secretariat na magbibigay ng teknikal at administratibong tulong sa komisyon. Matapos ang dalawang taon ng pagkakatatag nito, ang komisyon ay magsusumite sa Presidente ng report ng pag-aaral at rekomendasyon nito.
"Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, hindi lang natin masosolusyunan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila, mapagbubuti rin natin ang pagpapatakbo sa gobyerno, at iba pang economic at business na transakyon; gayundin, mabibigyan natin ng pagkakataon ang ibang bahagi ng bansa na umunlad,” diin pa ni Trillanes. #