Trillanes seeks probe on record-breaking power rate hike

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV files proposed Senate Resolution No. 411, seeking to investigate the pending big-time and record increase in electricity cost charged by the Manila Electric Company.

Trillanes said that “Republic Act No. 9136 or the EPIRA Law was enacted in 2001 to implement reforms in the energy sector, including assurance of the quality, reliability, security and affordability of the supply of electric power in the country. However, the proposed increase in the generation cost of Meralco runs counter to this purpose of the aforesaid law.”

“Added to this problem are the reports of the alleged collusion among power plants and the unusual number of power outages during the Malampaya shutdown which put into question the validity of the said proposal,” Trillanes further explained.

On Monday, the Energy Regulatory Commission approved the implementation of the said hike amounting to more than Php4 per kilowatt hour, the highest in the country’s history, which will be distributed in three tranches. The first and biggest tranche is an increase in the amount of P2.41 per kilowatt hour expected to be reflected in the December billing; while the second in the amount of P1.21 per kilowatt hour to be reflected in February, while the third in the amount of P0.53 per kilowatt hour to be reflected in March. In addition to this, other components are also expected to increase such as VAT, local franchise tax, and transmission charge.

Said price hike is due to the increase in generation charges triggered by the scheduled maintenance shutdown of Malampaya natural gas platform, where Meralco sources bulk of its power requirements. This was compounded by the outage of other plants where Malampaya sources its power from.

“It is incumbent upon the Senate, through the Senate Committee on Energy and other appropriate Senate committees, to protect public interest and safeguard the rights of consumers from alleged unjust financial burden and abuse of the law, especially at a time when the country is still reeling from a string of natural and man-made catastrophes,” Trillanes resolved.#

----

Tagalog version:

Trillanes, pinaiimbistigahan ang malakihang taas ng singil sa kuryente

Inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukalang Senate Resolution No. 411 na naglalayong imbestigahan ang nakabinbing malaking pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company.

Sabi ni Trillanes, “Isinabatas ang Republic Act No. 9136 o ang EPIRA Law noong 2001 upang magpatupad ng mga reporma sa sektor ng enerhiya, kabilang na rito ang pagsisiguro sa kalidad at seguridad sa suplay ng kuryente, at ang abot-kayang singil sa kuryente sa bansa. Ngunit, ang nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ay labag sa layunin ng nasabing batas.”

“Dagdag pa sa problemang ito ay ang mga ulat na di umano’y pagsasabwatan ng mga power plants at ang mga hindi maipaliwanag na dami ng beses na pagkawala ng suplay ng kuryente noong magsara ang Malampaya, na nagbibigay duda sa tunay na layunin ng nasabing taas-singil,” paliwanag ni Trillanes.

Noong Lunes, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission ang implementasyon ng nasabing pagtaas ng singil na umaabot sa higit Php4 kada kilowatt hour, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa, na hahatiin sa tatlong bahagi. Ang una at pinakamalaking bahagi ay ang Php2.41 kada kilowatt hour na pagtaas na inaasahang maipatutupad ngayong buwan ng Disyembre; ang ikalawa ay ang Php1.21 kada kilowatt hour na ipatutupad sa Pebrero; at ang pangatlo ay ang Php0.53 kada kilowatt hour na makikita naman sa singil sa buwan ng Marso. Dagdag pa rito, ang iba pang bahagi ng kabuuang singil sa kuryente ay inaaasahang tumaas din gaya ng VAT, local franchise tax at transmission charge.

Ang nasabing pagtaas sa singil ay dahil sa pagtaas ng generation charges na dulot ng pansamantalang pagsasara at pagsasaayos ng Malampaya natural gas platform, kung saan kumukuha ng malaking porsyento ng suplay ng kuryente ang Meralco. Ito ay pinaigting pa ng pagsasara ng iba pang planta kung saan naman kumukuha ng suplay ng kuryente ang Malampaya.

“Tungkulin ng Senado, sa pamamagitan ng Senate Committee on Energy at iba pang angkop na Senate Committees, na protektahan ang interes ng publiko at pangalagaaan ang karapatan ng mga konsumer mula sa di umano’y di makatarungang pagtaas singil at pang-aabuso sa batas, lalo na sa oras na ito na bumabangon pa lamang ang bansa mula sa iba't ibang kalamidad,” ani Trillanes. #