Trillanes seeks to review PH’s correctional system, calls to investigate Bilibid scandal

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV files a resolution to conduct an investigation to review the current correctional system that tolerated special treatment to high-profile inmates and their illegal acts inside the New Bilibid Prison (NBP).
 
“It is apparent that NBP personnel committed violations against their mandate when they allowed the entry of prohibited items and the construction of high-end ‘kubols’ inside the NBP as these did not just appear in an instant,” said Trillanes.
 
On 15, 19, and 22 December 2014, surprise inspections headed by Department of Justice Secretary Leila De Lima were conducted with operatives from the Philippine National Police (PNP), the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and the National Bureau of Investigation (NBI) in the NBP’s Maximum Security Compound, which houses convicted drug lords and notorious robbery gang leaders.
 
Said inspections revealed numerous appalling activities and items inside the prison. The operatives discovered the apparent continuation of drug trade within the premises of NBP, and found high-end special detention area or ‘kubol’ for these prisoners, which have extra-ordinary facilities such as jacuzzi, sauna, bath tub, music studio, generator, split-type air-conditioning units, Wi-Fi, a long conference table, game console, private gym, bar and a kitchen. Contraband items were also found in these kubols, which include diamond-studded Patek Philippe, Rolex, Cartier and Officine Panerai watches; a Louis Vuitton cash box; bottles of expensive wine and liquor; a life-size sex doll; wide-screen televisions; cell phones; money-counting machines; laptops; a projector and numerous appliances.
 
On top of these, wads of cash amounting to more than two million pesos, firearms, which are named under different government officials, and an undetermined amount of methamphetamine hydrochloride, also known as ‘shabu’, were also seized in the raid.
 
Further, in a separate incident, days after these inspections, an eight-year old girl was found naked and unconscious after an inmate, who was tested positive for using drugs, allegedly attempted to rape her inside the NBP’s maximum security compound on New Year’s Day.
 
Under Proposed Senate Resolution No. 1088, Trillanes said that one of the weaknesses of the Philippine Judicial system is its flawed correctional system and “as the first step to reform it, it is imperative to identify and hold accountable the NBP personnel and involved government officials who are responsible for the proliferation of contraband items in the NBP, and the Bureau of Correction’s personnel who have neglected to keep prisoners from committing crimes while in their custody.”
 
Trillanes earlier filed Senate Bill No. 793 to improve the existing correctional system in the country through the integration of its prison and jail system. One of its specific aims is to avoid fraternization between jail personnel and prisoners through reshuffling of personnel from one jail to another.
 
“More of this scandal will come out as we conduct the investigation, and we in the Senate should promptly address this issue by solving the loopholes in our correctional system,” added Trillanes who was once detained for rising up against the regime of Gloria Macapagal-Arroyo.#
 



Tagalog version:


     Trillanes: Isaayos ang sistema ng bilangguan; imbestigahan ang iskandalo sa Bilibid
 
Naghain si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng resolusyon upang tingnan ang  kasalukuyang sistema ng mga bilangguan sa bansa na sinasabing  nagbigay daan upang magkaroon ng espesyal na pagtrato sa mga high-profile inmates at sa mga illegal nilang gawain sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
 
“Malinaw na lumabag ang mga kawani ng NBP sa kanilang mandato nang hinayaan nila ang pagpapasok ng mga ilegal na gamit at ang konstruksyon ng mararangyang kubol sa loob ng NBP,” ayon kay Trillanes.
 
Noong ika-15, 19 at 22 ng Disyembre 2014, nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Department of Justice Secretary Leila De Lima, kasama ang ilang operatiba ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI), sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP, kung saan nakakulong ang mga convicted drug lords at notorious robbery gang leaders.
 
Nabunyag sa nasabing inspeksyon ang mga nakagugulat na gawain at kagamitan sa loob ng bilangguan. Lumalabas na patuloy na nagkakaroon ng palitan ng droga sa loob ng NBP at natagpuan din ng mga operatiba ang mararangyang detention area o mga “kubol” ng mga preso, na may ‘di pangkaraniwang pasilidad tulad ng jacuzzi, sauna, bath tub, music studio, generator, split-type air-conditioning units, Wi-Fi, game console, conference table, private gym, at bar. May mga nakita ring ipinagbabawal na gamit, tulad ng mga mamahaling relo (diamond-studded Patek Philippe, Rolex, Cartier at Officine Panerai), isang Louis Vuitton cash box, ilang bote ng mamahaling alak, isang life-size sex doll, wide-screen na telebisyon, cell phones, money-counting machines, laptops, projector at ilan pang kasangkapan.
 
Higit pa rito, nasamsam din ang bulumbon ng salapi na aabot sa Dalawang Milyong piso, ilang armas na nakapangalan sa iba’t-ibang opisyal ng gobyerno, at hindi matukoy na dami ng “shabu”.
 
Dagdag pa rito, sa isang hiwalay na insidente, ilang araw matapos ang mga nasabing inspeksyon, isang walong-taong gulang na babae ang nakitang walang saplot at walang malay sa loob ng maximum security compound ng NBP matapos di-umano’y tinangkang gahasain ng isang preso na nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
  
Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution No. 1088, sinabi ni Trillanes na isa sa mga kahinaan ng Philippine Judicial system ay ang depektibong sistema ng bilangguan sa bansa, at bilang unang hakbang sa pagsasa-ayos nito, mahalagang matukoy at panagutin ang mga kawani ng NBP at mga kasangkot na opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa paglaganap ng mga pinuslit na gamit sa loob ng kulungan, at ang mga kawani ng Bureau of Corrections na nagpapabaya sa kanilang tungkulin na pigilan ang mga preso sa paggawa ng krimen habang nasa kanilang kostodiya.
 
Nauna nang inihain ni Trillanes ang Senate Bill No. 793 na siyang naglalayong pag-isahin ang jail system ng bansa upang maisaayos ang umiiral na sistema. Isa sa mga pangunahing layunin nito ay maiwasan ang pagiging malapit ng mga kawani ng mga bilangguan sa mga preso, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng peryodikong pagpapalitan ng mga kawani sa buong bansa. 
 
“Mas marami pa tayong matutuklasan na kahindik hindik na gawain kapag sinimulan na ang imbestigasyon, at tayo sa Senado ay dapat agarang solusyunan ang isyung ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga butas sa ating sistema ng bilangguan,” dagdag ni Trillanes, na dati na ring nakulong dahil sa pag-aaklas sa rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.#