Trillanes thanks PNoy for signing law to modernize interior design industry

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV hailed the signing of Republic Act 10350 or the Philippine Interior Design Act of 2012 by President Benigno Aquino III, saying this will help boost the sector to make it globally competitive.

 

“I thank the President for signing the amended interior design law. Surely this development will boost the interior design industry to make it more competitive globally and at par with international standards,” said Trillanes, principal author of the new law.

 

In his sponsorship speech as chairman of Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization, Trillanes lamented that with the advances in technology and swift development in the industry, “it is necessary for us to introduce changes which would modernize the practice of interior design in the country to make it at par with the international standards and to enhance the competitive edge of the Filipino interior designers.”

 

The amended law protects the interest of local interior designers and enhances their competitive edge by providing the mandatory professional education and upgrading the knowledge and skills of professional interior designers.

 

The young senator said only legitimate professionals will be allowed to practice the profession in the country.

 

The new law, signed by President Aquino on 15 December 2012, amends Republic Act No. 8534 of 1998. #

 

Tagalog version:

 

Pagsasabatas ng bagong interior design industry law, pinuri ni Trillanes

 
Pinuri ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pagsasabatas ng Republic Act 10350 o ang Philippine Interior Design Act of 2012 na inaasahang magpapaunlad ng sektor ng interior design at gagawin itong globally competitive.

“Pinasasalamatan ko ang Pangulong Benigno Aquino III sa pagpirma ng susog na batas sa interior design. Siguradong makatutulong ito sa pagunlad ng industriya ng interior design at lilinang dito alinsunod sa pandaigdigang pamantayan,” ani Trillanes, pangunahing may-akda ng bagong batas.

Sa kanyang sponsorship speech bilang tagapangulo ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization, giniit ni Trillanes na dahil sa pagsulong ng teknolohiya at progreso sa industriya, “kinakailangang magkaroon ng pagbabago upang gawing moderno ang propesyon ng interior design sa bansa na nakabatay sa internasyunal na pamantayan na huhubog sa kagalingan ng mga Pilipinong interior designer.”

Ang bagong batas ay poprotekta sa interes  ng mga lokal na interior designer at huhubog sa kanilang kakayahan sa pamamagitan ng sapilitang edukasyong propesyunal at pagdaragdag ng kaalaman at kasanayan ng mga interior designer.

Ayon pa sa batang senador, tanging mga lehitimong propesyunal lamang ang papayagang makapagtrabaho sa bansa.

Ang bagong batas na nag-amyenda sa Republic Act No. 8534 ng 1998 ay pinirmahan ni Pangulong Aquino noong nakaraang Disyembre 15.#