Trillanes to revive Patrol 117

To address the increasing rate of crime and national emergencies, Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV files Senate Bill No. 1164 or the Hotline 117 Act seeking to institutionalize hotline 117 as the nationwide emergency assistance telephone number in the country.

Trillanes said: “Crimes and other public disturbances which pose a grave threat to the country's peace and order require dedicated efforts both from government and private sectors in order to be eradicated.”

According to a report by the PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), the number of reported crimes reached 1,036,527 in 2013. Nine percent (9%) of this is attributed to crimes staged by motorcycle-riding perpetrators, forty percent (40%) to street crimes and thirty-four percent (34%) to drug-related cases. In June 2013, the Philippine Institute for Development Studies released a study on the Epidemiological Assessment of Fires in the Philippines from 2010 to 2012 which showed that a total of 883 fires and 824 fire-related casualties were reported, majority of which occurred in Metro Manila. The report also noted no improvement in the fire situation for 2010 to 2012.

Trillanes explained that the said rates could have been lessened if there was an accessible means to report the occurrence of emergencies, and an efficient and immediate and responsive crisis mechanism by the government.

More than a decade ago, Patrol 117 was launched to connect concerned government agencies for immediate response in emergency situations. However, due to problems posed by illegitimate or prank calls, it was concluded that Patrol 117 needed to be further improved and developed to contribute effectively in promoting crime prevention and community safety.

SBN 1164 aims to institutionalize and strengthen Patrol 117 as a crime reporting mechanism, which was created under Presidential Administrative Order No. 36. It designates telephone number 117 as the emergency nationwide assistance number and establishes a Hotline "117" Public Safety Answering Center (Call Center) in every region, province, city, municipality and barangay, which will be composed of responders from different government offices and volunteer non-profit and civic organizations.

In order to further improve the functions of Patrol 117, the bill seeks to address the previous problems of illegitimate calls by penalizing such callers with imprisonment and/or imposition of fines as these calls caused undue delay in responding to legitimate report.

"It is high time we tap modern communication facilities in order to improve peace and security in our country. Institutionalizing Hotline 117 is a great leap forward," added Trillanes. #

Tagalog version:

Patrol 117, gawing mas epektibo - Trillanes

Bilang tugon sa tumataas na bilang ng krimen at mga national emergency, inihain ni Senador Antonio " Sonny " F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 1164 o ang “Hotline 117 Act” na naglalayong pagtibayin ang Hotline 117 bilang isang pambansang numero para sa mabilisang pagtugon o pagresponde ng gobyerno sa mga krimen at iba emergency sa bansa.

Sinabi ni Trillanes: "Ang paglaban sa mga krimen at iba pang isyu sa kaayusan sa bansa ay nangangailangan ng seryosong atensyon at pagtutulungan ng gobyerno at mga pribadong sektor.”

Ayon sa isang ulat ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), umabot sa 1,036,527 ang bilang ng krimen noong 2013. Siyam na porsiyento (9%) nito ay iniuugnay sa krimen dulot ng mga riding-in-tandem, apatnapung porsiyento ( 40 %) sa mga krimen sa kalye, at tatlumpu’t apat na porsiyento ( 34 %) sa mga kasong may kinalaman sa droga. Noong Hunyo 2013, ang Philippine Institute for Development Studies ay naglabas naman ng isang pag-aaral tungkol sa Epidemiological Assessment of Fires in the Philippines mula 2010 hanggang 2012. Ipinakita nito na sa kabuuan, ang 833 na sunog at 824 na sakunang inuugnay sa sunog ay nangyari sa Metro Manila. Idiniin din ng ulat na walang pagbabago o pag-improve sa fire situation sa bansa sa loob ng mga nasabing taon.

Ipinaliwanag ni Trillanes na ang nasabing bilang ay maaring nabawasan sana kung mayroong madaling paraan upang iulat ang mga di inaasahang pangyayaring ito, at kung may isang mahusay at agarang tugon o mekanismo ang gobyerno sa mga krisis na ito.

Higit isang dekada na mula nang mailunsad ang Patrol 117 upang iugnay ang mga ahensiya ng gobyerno para sa mabilis na pag-responde ng mga ito sa mga krimen at iba pang di inaasahang problema sa kaayusan sa bansa. Gayunpaman, dahil sa mga problema ng illegitimate at prank calls, napag-alaman na kailangang isaayos ang Patrol 117 upang mas epektibo itong makatulong sa kampanya laban sa krimen, tungo sa kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Ang SBN 1164 ay naglalayong i-institutionalize at pagtibayin ang Patrol 117 bilang isang crime reporting mechanism, na nilikha sa ilalim ng Presidential Administrative Order No 36. Itinatakda nito ang numerong 117 bilang emergency assistance number sa buong bansa. Itinatatag din nito ang Hotline “117” Public Safety Answering Center (Call Center) sa bawat rehiyon, probinsiya, siyudad, munisipalidad at barangay, na bubuoin ng mga tiga-responde mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at mga boluntaryong non-profit at civic organizations.

Upang higit na mapabuti ang sistema ng Patrol 117, layunin ng panukalang batas na tugunan ang mga naging problema sa illegitimate calls sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa na pagkabilanggo o multa sa mga nanloloko dahil ang mga tawag na ito ay nagdudulot ng pagkaantala sa mga pag-responde sa mga lehitimong ulat .

“Napapanahon lamang na gumamit tayo ng mga modernong pamamaraan sa komunikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa. Ang pagpapatibay sa Hotline 117 ay isang mahusay na hakbang tungo dito,” dagdag ni Trillanes. #