Trillanes urges DOTC to expedite the Bicol airport project

Senator Antonio F. Trillanes IV has expressed the sentiment of his fellow Bicolanos on the reported delay in the completion of the Bicol International Airport (BIA) project of the Department of Transportation and Communication (DOTC) in Albay.

In a letter sent by Trillanes to DOTC Secretary Emilio Jun Abaya, he lamented that the full completion of the Bicol International Airport is highly anticipated by the Bicolanos, especially since it has been heralded as part of the centerpiece projects of the Aquino administration in the region.

“I believe that this facility will not only provide the Bicolanos a convenient gateway to the rest of the world, but also create a new chapter in the development of our region as it promises to bring in foreign investments, create employment opportunities and spur vital tourist traffic to our region,” said Trillanes, who traces his roots to Ligao, Albay, where his late father Antonio Sr. grew up.

It was reported that the completion of the project has been delayed due to technicality problems with the bidding and awarding of contract. The construction of the facility was said to be successfully bid out last January, but due to the disqualification of the winning bidder, no construction was able to begin. Moreover, the target completion was moved to 2019 because the contract for the runway extension and the passenger terminal building has not been awarded yet.

Trillanes further noted that since the current administration is already on its final year, any further delay in the implementation of this project will most certainly result to the side-tracking of the project, at least until the next President is elected and is able to organize his cabinet and determine his own programs and priorities, which would mean an estimated delay of one to three years in the implementation of the project.

“I urge DOTC to take decisive steps to resume the immediate implementation of the Bicol International Airport Project. I believe we owe it to the people of Bicol to deliver this vital piece of infrastructure that the Administration has promised to them,” Trillanes emphasized.#

---------------------------
Tagalog version:


Konstruksyon ng paliparan sa Bicol simulan na, giit ni Trillanes

Inilabas ni Senador Antonio F. Trillanes IV ang hinaing ng kanyang mga kapwa-Bikolano ukol sa napaulat na pagka-antala ng konstruksyon ng Bicol International Airport (BIA) ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Albay.

Sa isang liham na ipinadala ni Trillanes kay Secretary Emilio Jun Abaya ng DOTC, sinabi nito na lubos na umaasa ang mga Bikolano sa pagtatapos ng Bicol International Airpot, lalo na’t isa ito sa mga mahahalagang proyekto ng Administrasyong Aquino sa nasabing rehiyon.

“Naniniwala ako na ang paliparang ito ay di lamang maglalapit sa mga Bikolano sa iba pang parte ng mundo, kundi ay magbibigay rin ng bagong yugto sa pag-unlad ng aming rehiyon dahil sa pagdating ng mga mamumuhunan mula sa ibang bansa, pagdami ng trabaho at pagsigla ng turismo,” ani Trillanes na mula sa Ligao, Albay, kung saan lumaki ang kanyang yumaong ama na si Antonio Sr.

Ayon sa mga ulat, ang pagtatapos ng proyekto ay naantala dahil sa mga teknikal na problema sa bidding at awarding ng kontrata. Ang konstruksyon ng paliparan ay matagumpay na na-bid out noong Enero, ngunit dahil sa diskwalipikasyon ng nanalong bidder, hindi nasimulan ang nasabing konstruksyon. Bukod pa rito, naurong sa 2019 ang tinatayang pagtatapos ng paliparan dahil ang kontrata para sa runway extension at passenger terminal building ay hindi pa rin nai-aaward.

Ani pa ni Trillanes, dahil ang kasalukuyang administrasyon ay nasa huling taon na ng pagsisilbi nito, ang ano mang susunod na pag-antala sa proyekto ay siguradong magpapahinto sa tuluyang pagpapatupad ng proyekto hanggang ang susunod na Pangulo ay makapagtalaga ng gabinete nito at makapili ng mga mahahalagang proyektong ipatutupad. Tinataya na ito ay magdudulot naman ng dagdag na isa hangang tatlong taong pagka-antala sa implementasyon ng proyketo.

“Hinihimok ko ang DOTC na gumawa ng mga konkretong hakbang para mapabilis ang pagpapatayo ng Bicol International Airport. Naniniwala akong responsibilidad nating ipagkaloob ang naipangakong proyektong ito sa mga mamamayan ng Bikol,” giit pa ni Trillanes. #