Trillanes wants tree planting mandatory for graduating students

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV has filed a bill that seeks to make tree planting mandatory for graduating students from grade school to college in a bid to have at least 175 million new trees planted across the country every year.

 

Under Senate Bill 3166 or the proposed Graduation Legacy for the Environment Act of 2012 filed by Trillanes, all graduating elementary, high school and college students will be required to plant at least 10 trees before they graduate.

 

Trillanes expressed confidence the proposed legislation would result in more trees planted in less time given the huge number of students graduating from all levels annually – 12 million in primary school, 5 million in high school and 500,000 in college.

 

“If properly implemented, at least 175 million new trees would be planted each year under this initiative, and, more importantly, this program will help promote environmental consciousness among our youth,” Trillanes pointed out.

 

The lawmaker said the measure espouses the idea of “inter-generational equity,” which lays down both rights and obligations of future generations. This concept, he added, has been proven effective in achieving the twin goals of environmental protection and sustainable development.

 

“While we recognize the right of the youth to a balance and healthful ecology, as proclaimed in the 1987 Constitution, there is no reason why they cannot be made to contribute in order to ensure that this would be an actual reality,” Trillanes said.

 

The Department of Education and the Commission on Higher Education, in coordination with other government agencies, shall be tasked to implement the provisions of the bill.

 

Trillanes said the measure will complement President Benigno Aquino III’s Executive Order No. 26 that aims to mobilize students and government workers to plant 1.5 billion trees over a period of six years, from 2011 to 2016. #



Mandatory tree planting bago grumadweyt, isinusulong ni Trillanes

 


Nais ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV na gawing sapilitan ang pagtatanim ng puno sa mga magsisipagtapos mula elementarya hanggang kolehiyo sa paglalayong makapagtanim ng humigit kumulang 175 milyong puno sa buong bansa bawat taon.
 
Sa ilalim ng Senate Bill 3166 o ang panukalang Graduation Legacy for the Environment Act of 2012 na inihain nito kamakailan, hangad ni Trillanes na obligahin bawat isang estudyanteng magtatapos sa elementarya, mataas na paaralan at kolehiyo na magtanim ng 10 puno bago sila grumadweyt.
 
Kumpyansa ang senador na ang kanyang panukala ay magreresulta sa napakaraming punong maitatanim sa mas maikling panahon bunsod na rin ng mataas na bilang ng nagsisitapos kada taon – 12 milyon sa elementarya, 5 milyon sa sekondarya at 500,000 sa kolehiyo.
 
“Kung magiging maayos ang pagpapatupad nito, hindi bababa sa 175 milyong bagong puno ang maitatanim bawat taon,” ani Trillanes.
 
Gamit ni Trillanes sa kanyang panukala ang ideyang “inter-generational equity” o ang pagbibigay ng pantay na karapatan at obligasyon sa mga susunod na henerasyon na pangalagaan ang kalikasan. Ang konseptong ito, ayon sa senador, ay epektibo tungo wastong pangangalaga sa kalikasan at likas-kayang pag-unlad.
 
“Habang kinikilala natin ang karapatan ng mga kabataan sa balanse at maayos na ekolohiya na nasasaad sa kasalukuyang Konstitusyon, walang dahilan na hindi sila maaring makatulong upang ang ating layunin para sa kalikasan ay magkaroon ng kaganapan,” giit ni Trillanes.
 
Kapag ganap na naisabatas, ito ay ipapatupad ng Department of Education at Commission on High Education sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
 
Ang panukalang batas ay naayon sa Executive Order No. 26 (EO 26) na nilagdaan noong isang taon ni Pangulong Benigno Aquino III. Ang EO 26 ay naglalayong pakilusin ang mga estudyante at kawani ng gobyerno na magtanim ng 1.5 bilyong puno sa loob ng anim na taon, simula 2011 hanggang 2016. #