Veterans to get additional burial assistance

House Bill No. 694 under Committee Report No. 57, or bill increasing the burial assistance for veterans has been approved on third and final reading in the Senate.

Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, chairman of the Senate Committee on National Defense and Security and the sponsor of the said measure in the Senate, said that in recognition of the patriotic service of the country’s veterans in times of war and peace, it is just appropriate for the government to provide assistance to the next-of-kin of veterans after their demise. It is suitable to accord our veterans, who risked their lives for the protection of our liberty and democracy, with decent burial befitting men in uniform.”

Under HBN 694, burial assistance for veterans will be increased from P10,000 to P20,000.

“It was 20 years ago since the burial assistance for our veterans was increased through RA 7696. With the burial expenses having considerably increased over time, it is necessary that the burial assistance to the next-of-kin of a deceased veteran be likewise increased. Although this amount may not be enough to defray all the costs for the burial of our beloved veterans, we hope that this would help their families in their time need,” Trillanes explained.

“The House of Representatives has also passed HBN 694 on third reading. It is our fervent hope that the President will act upon this measure and provide this much needed support for our veterans,” Trillanes added.#




Tagalog version:




Mga beterano, retiradong sundalo, makakakuha ng dagdag burial assistance

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang House Bill No. 694, sa ilalim ng Committee Report No. 57, o ang panukala na magbibigay karagdagang burial assistance para sa mga nasawing beterano o mga retiradong sundalo.

Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security at isponsor ng nasabing panukala, nararapat lamang na bigyan ng tulong ng gobyerno ang naiwang pamilya ng ating mga nasawing retiradong sundalo bilang pagkilala sa pagsisilbing ginawa ng mga ito sa ating bansa. Dapat bigyan ang ating mga beterano at retiradong sundalo ng disenteng libing na nararapat sa mga lingkod-bayan na nagtaya ng buhay para sa ating bansa.

Sa ilalim ng HBN 694, itataas sa P20,000 ang burial assistance para sa mga beterano at retiradong sundalo, mula P10,000 na kasalukuyang nakukuha ng pamilya ng mga ito.

“May 20 taon na nang huling itaas ang burial assistance para sa mga beterano at retiradong sundalo. Dahil sa pagtaas ng halaga ng pagpapalibing, nararapat lamang na itaas din ang tulong na binibigay sa pamilyang naiwan ng mga ito. Di man masasagot ng nasabing halaga ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing, inaasahan natin na makakatulong ito nang malaki sa kanilang naiwang pamilya,” paliwanag ni Trillanes.

Dagdag pa ni Trillanes, “Tayo ay umaasa na maaprubahan kagad ni Presidente Aquino ang dagdag tulong na ito ngayong pareho nang pasado sa Senado at House of Representatives ang panukalang ito.”#